Desisyon ni Sarah sa The Voice ikinagulat ng madlang pipol
Maraming na-shock sa ginawang desisyon ni coach Sarah Geronimo sa ginanap na live episode ng The Voice of the Philippines last Saturday. Hindi kasi inasahan ng manonood na ang ex-Rivermaya vocalist na si Jason Fernandez ang tsutsugihin niya sa labanan.
Ang isinalba niya sa gabi ng showdown ay ang “haranista” na si Jason Dy. Ayon sa Pop Princess, “Hindi ko talaga alam gagawin ko.” Bago kasi pumili si Sarah sa dalawa, nag-trending pa ang performance ni Jason Fernandez (Moves Like Jagger) sa Twitter at todo rin ang papuri sa kanya ng lahat ng coaches.
Pero in fairness, pinuri-puri rin ng netizens si Jason Dy sa kanyang version ng “OMG” ni Usher. “I couldn’t breath. Talagang ginulat mo kami lahat.
The way you moved, grabe, mayroon ka pa lang tinatagong ganyan,” komento ni Sarah kay Jason Dy na nakasama nga ng dalawa pang miyembro ng team Sarah na patuloy na lalaban sa live showdown ng The Voice – sina Kokoi Baldo at Monique Lualhati.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.