Vice kay Jam: I Love You, wag kang bibitiw sa laban! | Bandera

Vice kay Jam: I Love You, wag kang bibitiw sa laban!

Ervin Santiago - February 09, 2015 - 03:00 AM

vice ganda

TINUPAD ni Vice Ganda ang promise niya sa cancer victim na si Jam Sebastian, ang isa sa “Jamich” duo na sumikat sa mga video na nai-post sa YouTube at kumalat sa social media.

Dinalaw ng TV host-comedian sa ospital si Jam kamakailan nang malaman nitong isa sa mga hiling ng YouTube sensation ang makita siya nang personal. Sa Facebook account ng fiancé ni Jam na si Paoline Michelle Liggayu, makikita ang litrato ng pagbisita sa kanila ng Showtime host.

Kung matatandaan pagkatapos sumikat sa internet ay nabalitang may lung cancer pala ang binata kaya mula noon marami na ang nagdarasal na sana’y pahabain pa ang buhay ni Jam.

Mas lalong na-touch ang kanilang supporters nang mag-propose si Jam kay Mich last year. Pero nito lang nakaraang linggo, lumabas ang balitang hiniling na ni Jam sa kanyang pamilya na tapusin na ang kanyang buhay dahil hirap na hirap na siya sa kanyang kundisyon.

Pero hindi pumayag ang family ng binata. Kaya nang makarating kay Vice ang wish ni Jam, agad niya itong pinuntahan sa ospital, nag-post pa ng video si Mich ng naging pagkikita ng dalawa.

Sinabi pa nitong, “Priceless yung smile ni Jam Fernando Sebastian.” Chika ni Mich, “Nandito si Vice ngayon sa hospital. Nag-visit siya kay Jam. Iba ang smile ni Jam ngayon, nakikita kong happy siya.

Sobrang sayang makita na ganoon ang pag-smile ni Jam. Maririnig sa video ang sinabi ni Vice kay Jam, anang komedyante, “Jam, I Love you. Ang daming nagmamahal sa ‘yo. Sobrang dami.

Ang daming nagdarasal sa ‘yo. Iba ang power ng prayer. Huwag kang bibitaw.” Ito naman ang ipinost na message ni Vice sa kanyang Instagram account, “He wished to see me again and so I visited him.

Thank you so much Lord for allowing me to touch someone’s life today.  And also for allowing me to be touched by someone’s journey. Keep the faith Jam.  Miracles happen everyday. God bless you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending