Sarah Lahbati epektib na aswang; Jake naghubad sa harap ni Bea | Bandera

Sarah Lahbati epektib na aswang; Jake naghubad sa harap ni Bea

Ervin Santiago - February 08, 2015 - 03:00 AM

sarah lahbatiSpecial effects ng ’Liwanag Sa Dilim’ hindi OA, tama ang timpla
SARAH LAHBATI EPEKTIB NA ASWANG; JAKE NAGHUBAD SA HARAP NI BEA
NAGKAROON kami ng chance na mapanood ang pinakabagong horror-suspense movie ng APT Entertainment, ang  “Liwanag Sa Dilim”  na pinagbibidahan ng Kapuso loveteam na sina Bea Binene at Jake Vargas, kasama sina Sarah Lahbati at Rico Blanco.
Actually, hindi kami masyadong nag-expect sa pelikula na idinirek ni Richard Somes dahil napakarami na naming napanood na Pinoy horror movies pero ilan sa mga ito ay hindi naman talaga nakakatakot. May isa pa nga na natapos na lang pero hindi man lang kami napasigaw o nagulat kahit isang beses.
Pero in fairness sa  “Liwanag Sa Dilim” , maraming gulat factor at halos lahat ng nagsipagganap sa movie ay mahuhusay kaya malakas ang laban nito sa takilya kapag nag-showing na sa Feb. 11 nationwide, plus the fact na ito ang unang teen adventure-horror movie ng taon.
Bukod sa impressive production design at cinematography, nagulat din kami sa magandang special effects ng  “Liwanag Sa Dilim” , hindi kasi ito OA, as in tamang-tama lang sa kuwento at setting ng istorya. May iba kasing horror films na nawawala na ang takot epek dahil sa sobra-sobrang effects.
‘Yung paglipad-lipad ni Sarah Lahbati bilang “wakwak” (isang uri ng asawang) ay nakakabilib, lalo na ‘yung hinahabul-habol na niya sina Bea, Jake at Igi Boy Flores sa isang malawak na bukid para paghigantihan ang mga ito dahil sa pakikialam sa ginagawa niyang pagpatay sa kanilang lugar.
Wagi rin para sa amin ang fight scene nina Sarah at Dante Rivero, as in talagang palaban pa rin sa aksiyon ang veteran star kahit na may edad na ito. Hindi na namin ikukuwento kung ano ang role ng magaling na aktor sa movie, basta ang masasabi namin, hindi siya nagpatalbog sa energy ng mga kasama niyang bagets sa  “Liwanag Sa Dilim” .
Gusto rin naming palakpakan ang ipinakitang akting ni Sarah sa pelikula, hindi kasi namin inasahan na magiging effective ang akting ng Kapuso actress bilang isang aswang. Bagay na bagay sa kanya ang role at para sa amin, isa siya sa pinaka-convincing na aswang na napanood namin.
Kahit walang dialogue at mata lang ang ginagamit ni Sarah ay mararamdaman mo na ang takot sa mga eksena. Sabi ko nga, after Irma Alegre na gumanap na manananggal sa  “Shake Rattle & Roll 1” , kay Sarah namin naramdaman ‘yung totoong takot sa aswang. Bukod pa ‘yan sa mga fighting scenes niya sa pelikula na walang ka-double.
Maganda rin ang exposure ng rock icon na si Rico Blanco sa pelikula, maikli pero malaman ang kanyang karakter, at para sa amin, ang pagpatay sa kanya ng aswang ang pinakabrutal kahit walang masyadong dugong ipinakita si direk Richard Somes.
At siyempre, hindi mabibigo ang fans nina Bea at Jake sa  “Liwanag Sa Dilim”  dahil sila talaga ang bida rito, lalo na sa bandang ending. At may bonus pa para sa mga girls and gays na nagpapantasya kay Jake – may “hubaran” scene ang dyowa ni Bea sa isang maliit na falls kung saan ipinakita niya ang kanyang abs, huh!
Hindi na namin ikukuwento ang ending ng movie para hindi namin ito ma-preempt. Basta magugulat kayo kung paano magwawakas ang kuwento ng pumapatay na wakwak.
Kaya kung gusto n’yong makapanood ng kakaibang horror movie ngayong Valentine season, watch na kayo ng  “Liwanag Sa Dilim” , showing na sa Feb. 11. Kasama rin dito sina Sunshine Cruz, Freddie Webb, Julian Trono at marami pang iba.
q q q
Speaking of Jake and Bea, totoo palang on the rocks ang kanilang relasyon. Inamin ni Jake na ilang beses na silang nag-break pero nagkakabalikan din kapag napag-usapan ang mga problema.
Ayon sa binata, kailangan lang daw nila ni Bea ng space para maisaayos ang kanilang differences, “Malay natin, ilang araw lang mula ngayon, maging maayos na kami.” Kasabay nito, pinabulaanan naman ng Kapuso actor na nag-away sila ni Bea dahil kay  Derrick Monasterio na ka-loveteam ng dalaga sa Vampire Ang Daddy Ko.
Sey pa ni Jake sa isang interview, umaasa siya na magkakaayos din sila ni Bea, pero tumanggi na siyang magdetalye kung bakit sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending