Erik Santos namaga ang lalamunan pagkatapos kumanta sa Papal Mass | Bandera

Erik Santos namaga ang lalamunan pagkatapos kumanta sa Papal Mass

Ervin Santiago - February 07, 2015 - 03:00 AM

erik santos
NAGKASAKIT pala si Erik Santos matapos kumanta sa papal visit ilang linggo na ang nakararaan.

Nagkaroon ng laryngitis o  “inflammation of voice box” si Erik ilang araw matapos siyang kumanta sa misang pinangunahan ni Pope Francis sa Quirino Grandstand. Ito raw ang unang pagkakataon na nagkaroon ng laryngitis ang Kapamilya singer.

“First time kung magkaroon ng laryngitis. Actually nu’ng kumanta ako for Papal Mass mayroon na po siya,” anito sa Kris TV kahapon.

“Sabi nga there’s a bug, parang yung kumanta sa Quirino Grandstand, may members din ng choir na hanggang nga-yon ay wala pang boses,” dagdag pa ng binatang singer.

Bukod sa ilang araw na pahinga, uminom na rin daw ng antibiotics si Erik sa loob ng isang linggo, “Ako for one week di ako nagsalita. Gumaling pero hindi pa siya 100% na okay.”

Itinuturing naman ni Erik na “biggest performance” niya ang pagkanta sa papal visit, siya ang naatasang kumanta ng responsorial psalm sa nasabing misa officiated by Pope Francis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending