Toni, Coco na-shock: biglang nagkapelikula
SA kauna-unahang pagkakataon ay magsasama nga sa pelikula sina Toni Gonzaga at Coco Martin.
Ito ay ididirek ng bagong promising director na si Antoinette Jadaone under Star Cinema. Si Antoinette ang nagdirek ng “That Thing Called Tadhana” ni Angelica Panganiban kung saan ito nanalong best actress.
Ayon sa direktor, tiyak na makaka-relate ang lahat ng Pinoy sa pelikulang ito (wala pang final title). “Mas grounded ito sa reality, mas grounded sa real-life,” ani direk sa interview ng ABS-CBN.
Dagdag pa niya, “Pag papanoorin mo ‘yung pelikula, makikita mo ‘yung sarili mo kay Toni, kay Coco, makikita mo ‘yung kaibigan mo, ‘yung crush mo, ‘yung boyfriend mo sa isa sa mga characters. Hindi siya nalalayo sa totoong buhay. Mas grounded siya.”
Inamin naman ni Toni na naging “instant fan” siya agad ng direktor nang mapanood niya ang “That Thing Called Tadhana.”
“Napakatotoo niyang direktor, napaka-natural, napaka-raw nung mga emosyon na napapakita ng mga aktor niya. I want to work with a director like her, na ma-bi-bring out niya ‘yung totoo sa amin,” chika ni Toni.
Hirit pa ng future wife ni direk Paul Soriano, “It’s not going to be your typical romantic-comedy. We’ll keep it grounded, keep it real, na pag pinanood mo, ‘Ay, nangyari sa ‘kin ‘to.'”
Ang magiging karakter ni Toni sa nasabing movie ay, “Someone who is looking for acceptance, who’s looking for love, who wants to be appreciated and who wants to belong.”
“All along, hindi ko alam na may isang tao pala na hindi ko kailangang magpanggap, hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko, kasi meron palang tao na nagmamahal sa akin sa kung sino ako, at si Coco iyon,” aniya.
For his part, sinabi ni Coco na talagang matagal na niyang gustong gumawa ng mga romantic-comedy films tulad nga ng pelikula nila ni Sarah Geronimo na “Maybe This Time” at ito ngang pagtatambal nila ni Toni ang ikalawang rom-com na gagawin niya.
“Siyempre hindi maiaalis yung kaba dahil hindi ko naman ito forte talaga. Pero ito ‘yung isa sa mga pangarap ko na magawa ko.
Na-e-excite ako kasi ito ‘yung mga bagay na hindi ko pa napapakita sa mga manonood.”
Sey naman ni Toni sa kanyang bagong leading man, “Ako, it’s an honor na makatrabaho ko siya sa pelikula kasi alam ko marami akong matututunan sa kanya. He’s such a great dramatic actor, but I’m so happy rin na he allowed himself na i-explore ang ibang dimensyon ng acting.”
Dagdag naman ni Coco sa first time team-up nila ng TV host, “Noong una, kung iisipin niyo, it came out of nowhere, na pagsasamahin kaming dalawa. Pero noong nailatag talaga iyong story…ako, ang tingin ko talaga, ang basehan ng isang magandang pelikula ay ang istorya, ang kuwento.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.