MAAYOS na nakarating ng Balanga, Bataan kahapon ang 13 dayuhang koponan na sasali sa 6th Le Tour de Filipinas.
Magiliw na sinalubong ng mga bisitang siklista ang mga taong sumalubong at naghatid sa kanila sa Balanga na senyales na handa silang ipakita ang galing para talunin ang dalawang koponan mula sa host country sa apat na araw na karera na handog ng Air21 at suportado ng MVP Sports Foundation at Smart at inorganisa ng Ube Media Inc.
“The enthusiasm of the foreigners in racing on Philippine soil was very evident as the teams which arrived before lunch in Balanga hit the road immediately and shook off the rust from their travel,” wika ni Ube Media Inc. president Donna LIna-Flavier.
Ang natatanging pakarera sa bansa na may basbas ng international cycling body na UCI ay magiging makulay sa taong ito dahil apat na siklista na nagkampeon sa karera ang magsusukatan sa hangaring maging kauna-unahang dating kampeon na nakadalawang titulo.
Mangunguna na rito si Mark Galedo na siyang nagdedepensang kampeon na kakarera para sa PhilCycling national team.
Si Baler Ravina ng 7-Eleven Roadbike Philippines ang isa pang local champion (2012) na magsisikap na mapanatili sa bansa ang kampeonato.
Mangunguna sa hahamon ay ang dalawang Iranian titlists na sina Rahim Emami (2011) ng Pishgaman Yzad Pro Cycling team at Ghader Mizbani (2013) ng Tabriz Petrochemical Team.
May ayuda pa ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canao, ang iba pang dayuhang koponan na kasali ay ang Team Novo Nordisk ng USA, RTS Santic Racign Team at Attaque Team Gusto ng Taiwan, Singha Infinite Team ng Thailand, Navitas Satalyst Racing Team ng Australia, CCN Cycling Team ng Brunei, Pegasus Continental Team ng Indonesia, Terengganu Cycling Team ng Malaysia, Bridgestone Anchor Cycling Team ng Japan at ang mga national teams ng Uzbehistan at Kazakhstan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.