Purefoods Star sasagupa sa Globalport | Bandera

Purefoods Star sasagupa sa Globalport

Barry Pascua - January 30, 2015 - 08:05 PM

Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Meralco vs Kia Carnival
7 p.m. Globalport vs Purefoods Star

UUMPISAHAN ng Purefoods Star ang pagdedepensa sa korona nito sa pakikipagtuos kontra Globalport sa PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon, hangad ng Meralco Bolts na masolusyunan ang palaisipan ng higanteng si Peter Joh n Ramos sa pagtatagpo nila ng Kia Carnival.

Ang Globalport at Meralco ay kapwa nanalo sa kanilang unang laro noong martes. Tinalo ng Batang Pier ang Kia, 100-89, samantalang hiniya ng Bolts ang Barangay Ginebra, 85-74.

Matinding numero ang nakuha ng Globalport buhat sa import na si CJ Leslie, isang forward buhat sa Holly Springs, North Carolina. Nagtala siya ng 33 puntos, 14 rebounds and apat na blocked shots.

Makakatapat niya ang datihang si Marqus Blakely, na sa sukat na 6-foot-5 ay siyang pinakamaliit na import. Kinuha muna ng Purefoods si Blakely habang hnihintay na maging available si Daniel Orton na naglalaro pa sa Sichuan Blue Whales sa Chinese Basketball Association. Matatapos ang kanyang kontrata sa Pebrero 1.

Bukod sa pagkakaroon ng maliit na import ay kulang ng dalawang sentro ang Hotshots. Nasuspindi ng dalawang laro bukod sa pinagmulta ng P60,000 si Yousef Taha matapos suntukin ang Rain or Shine import na si Rick Jackson sa isang tune-up game noong Lunes. Hindi pa rin makakapaglaro si Ian Sangalang na nagpapagaling matapos maoperahan sa ACL.

Aasa si Hotshots coach Tim Cone kina James Yap, Marc Pingris, Mark Barroca, Peter June Simon at Joe Devance.

Makakatuwang ni Leslie ang mga guwardiyang sina Terrence Romeo at Stanley Pringle na kapwa nagtala ng double figures sa panalo kontra Kia. Si Romeo ay gumawa ng 19 puntos at nagdagdag ng 17 si Pringle.

Ang Meralco ay pinangungunahan ni Josh Davis na nagtala ng 25 puntos at 24 rebounds kontra Gin Kings. Gagamitin ni Davis ang kanyang bilis kontra sa higanteng si Ramos.

Si Ramos, isang 7-foot-3 sentro buhat sa Puerto Rico, ay nagtala ng 41 puntos, 20 rebounds, anim na assists at tatlong blocked shots laban sa Globalport subalit kinulang ng suporta buhat sa mga locals.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending