OFW tumalon sa gusali | Bandera

OFW tumalon sa gusali

Susan K - January 30, 2015 - 03:00 AM

NAULIT na naman ang balitang tumatalon ang ating mga kababaihan mula sa gusaling nagsisilbing kulungan nila bilang mga sex slave, habang pinagkakakitaan naman sila ng ibang tao.

Isa na namang OFW ang na-engganyo ng kapwa babaeng OFW.  Lumipat na lang daw ng trabaho sa coffee shop sa Kuwait kaysa magsilbing domestic helper.

Natural, nagkainteres ang OFW kung kayat nakipagkita sa Pilipinang inasahang tutulong sa kanya na mapabuti ang buhay sa Kuwait.

Ipinakilala siya ng Pinay sa ibang lahi at dinala sa isang apartment at doon ikinulong. Isa pang Pinay ang nakita niya sa lugar.

Dalawa anya silang biktima na naroroon.

Dinadalhan sila ng mga kostumer sa gusali, at tantiya niya halos 40 kalalakihan ang araw-araw na nagtutungo roon para gumamit sa kanila.

Kaya nang magkaroon ng pagkakataon itong ating OFW, nagawa niyang tumalon mula sa ikatlong palapag na naturang gusali.

Bahala na ‘anya, kaysa naman manatili siyang bilanggo sa kamay ng mga nagsasamantala sa kanila. Sa kasalukuyan, ligtas na ang ating kabayan.

Maraming taon na ang nakararaan, isang OFW naman ang tumalon din sa isang gusali mula sa Kuwait nang gawin din siyang sex slave.

Lumapit ang mga kamag-anak ng biktima sa Bantay OCW at ayon sa kanila, may asawa at tatlong mga anak ang OFW.

Nagpumilit ‘anyang umalis ito upang makatulong sa asawa.

Ayon sa kapatid ng biktima, may itsura ang kanyang kapatid.

Nagulat na lang sila na ilang buwan ang nakalipas ay hindi na ito nakipag-ugnayan sa kanila.

Ni pangungumusta ay walang narinig mula sa kanya.

Hindi naman agad nag-alala ang pamilya at nagtiwala na tatawag at kokontak muli ito sa kanila.

Kaya makalipas ang ilang mga buwan, laking gulat na lamang nila nang itawag sa kanila ng ating embahada na natagpuan ang ating OFW na lasug-lasog ang katawan dahil sa pagbagsak nito matapos tumalon mula sa na-turang gusali.

Nakiusap ang OFW na huwag na lang sanang ipaaalam sa pamilya ang tunay na nangyari sa kaniya. Pakiusap niya, sabihin na lamang na tumakas siya mula sa mapang-aping employer kung kaya’t tumalon siya sa building kung saan sila nakatira.

Ganon ang itinanim niya sa isip ng mister at mga anak.  Pero  nagawa niyang ipagtapat ang totoo sa kanyang kapatid na siya namang nagsabi sa Bantay OCW.

Ayaw nang magreklamo ng OFW. Ayaw niyang malaman ng asawa ang nangyari sa kaniya.

Lalo lang ‘anya silang magkakagulo, pati na mga anak nila madadamay pa.

Hinayaan na lamang namin ang OFW sa kaniyang kahilingan. Nabalitaan na lang namin na nakipag-hiwalay na ito sa asawa at ramdam ni mister, para ‘anyang nasisi-raan ng bait si misis.

Palibhasa’y hindi nga niya ipinagtapat ang masakit na karanasan sa Kuwait, kung kaya’t na-ging mahirap  para sa ating OFW na maka-recover mula sa traumang pinagdaanan sa takot din niyang pagpistahan ang nangyari sa kaniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM mula  Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon.  Aaudio/video live streaming:                                       E-mail: [email protected]/ [email protected]  www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0927.649.9870

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending