Mindanao leg ng Ronda Pilipinas ililipat sa Visayas
BUNGA ng pangamba sa seguridad, inanunsyo kahapon ng Ronda Pilipinas 2015 na hindi na matutuloy ang two-leg Mindanao qualifying leg bagkus ito ay idadagdag sa mga stages na gaganapin sa Visayas.
“We’re sorry to announce that we’re foregoing the Mindanao qualifiers for fear of the safety of the whole Ronda delegation including our cyclists,” sabi kahapon ni Ronda Pilipinas executive project director Moe Chulani, na idinagdag pa na nakikiramay ang Ronda sa mga pamilya ng mga nasawi sa engkuwentro sa Maguindanao.
Ang qualifying leg sa Mindanao ng Ronda ay nakatakda sana sa Pebrero 8 mula Butuan City patungo sa Cagayan de Oro at Pebrero 9 mula Tubod, Lanao del Norte patungo sa Dipolog.
Subalit papalitan naman ito ng Ronda ng mga karagdagang mga stages sa Visayas na posibleng ganapin sa Negros Oriental at Negros Occidental.
“But we remain firm with our goal of finding talents in the provinces so we will bring the Mindanao riders to the Visayas where we will add a qualifying leg that will replace the Mindanao stages,” sabi pa ni Chulani.
Ang karera ngayong taon ay suportado ng MVP Sports Foundation at may pahintulot ng PhilCycling. Karamihan ng mga miyembro ng kasalukuyang national team na kinabibilangan nina Mark Galedo, Ronald Oranza, Rustom Lim at George Oconer ay produkto ng Ronda, ang pinakamalaki at pinakamayamang cycling race sa Pilipinas at Asya.
Sinabi pa ni Chulani na ang Visayas at Luzon qualifying legs ay isasagawa sa Pebrero 11 at 12 sa Dumaguete, Sipalay at Bacolod at Pebrero 15 at 16 sa Antipolo City at Tarlac City.
Aabot sa 100 riders ang nag-qualify mula sa tatlong qualifying races patungo sa Championship round sa Luzon kung saan ang mananalo ay mag-uuwi ng P1 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.