Pacman binantaan sa pagdya-judge sa Miss Universe
KUMALAT sa Facebook account ko ang mga magagandang photos ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao with my boyfriend (grabeng ilusyon na ito. Ha-hahaha!) Prince Harry of England.
And honestly, since turned off ako sa tinuran ni Pacman nu’ng nasa New York siya, when he said na nakikiusap nga raw siya sa mga constituents niya sa Saranggani Province na huwag na siyang iboto sa susunod na eleksiyon at magagastusan lang siya, natural na hindi ako impressed sa kaniya.
Yung kayabangan nilang iyan – eiwww to the max!!! Isang malaking oportunidad for any Filipino (for that matter) ang maka-dinner ang royal prince sa London.
Gosh! How many in this whole wide world get the chance to be invited to have dinner with the royal family – not much, di ba?
Natuwa ako in a way thinking that one kababayan like Manny got this priceless opportunity pero since umapaw na ang kayabangan nilang mag-anak, di talaga ako impressed. Promise.
As if naman it matters to some kung impressed ako or not. Ha-hahaha! Bakit ba? Sinasabi ko lang naman ang saloobin ko, di ba? It’s my basic human right to express what I feel anyway.
Judge nga pala si Manny Pacquiao sa Miss Universe and hopefully ay magamit niya nang mabuti ang kanyang powers para maipanalo ang nararapat na kandidata.
Baka kasi puro pangalan ng boxing gloves ang maisulat niya roon – baka tulad ng ibang mga Pinoy judges sa same competition in the past ay inilaglag niya ang kinatawan nating si MJ Lastimosa, ha.
Humanda siya pag nalaman natin – isusumpa talaga namin siyang mga bading. Hahadahin namin siya nang sabay-sabay. Ha-hahaha!
Anyway, kailan kaya ang next match ni Pacman? Definitely hindi kay Floyd Mayweather kasi ayaw nga nitong makalaban si Pacquiao kasi no-win nga rito si Mayweather.
Pag nanalo siya, sasabihin ni Pacquiao na talagang dehado naman siya talaga kay Mayweather pero pag natalo siya ni Pacquiao, this will be Mayweather’s first loss.
Kaya tama lang na huwag siyang pumayag para forever ma-frustrate si Pacquiao sa kaniyang boxing career. Mayabang naman siya anyway, di ba? Beelllaaattttt!
Anyway, speaking of Miss Universe 2015, tumutok sa pinakaaabangang pagpapakitang-gilas ni MJ Lastimosa para makuha ang korona sa 63rd Miss Universe Pageant ngayong Lunes live sa Lifestyle Network at via satellite airing naman sa ABS-CBN.
Ready na ang stage para sa pinaka-glamorosang gabi sa Florida para sa pagrampa ng 88 na kandidata na magpapasiklab ng kanilang ganda at talino para sa 63rd Miss Universe Pageant.
Si 2014 Bb. Pilipinas Mary Jean Lastimosa, ang pambato ng Pilipinas sa prestihiyosong pageant, ay sinasabing may malaking chance para mauwi ang korona.
Bukod nga kay Pacquiao as one of the judges, aariba rin si 2013 Miss Universe 3rd Runner-Up Ariella Arida bilang online backstage host.
Maipagpatuloy kaya ni MJ ang magandang performance ng Pilipinas sa Miss Universe? Alamin ngayong umaga sa live airing ng 63rd Miss Universe Pageant sa Lifestyle Network, 9 a.m..
Mapapanood rin ang Miss Universe Pageant via satellite sa ABS-CBN, 10 a.m.. Samantala, abangan din ang mga bigating Hollywood celebrities suot ang kanilang nagagandahang red carpet outfits para sa star-studded 21st SAG Awards na eere ngayong gabi sa Lifestyle Network.
Ang Screen Actors Guild (SAG) Awards ang nag-iisang award giving body na nagbibigay parangal sa mga pagganap ng mga artista na pinili ng SAGAFTRA (Screen Actors Guild American Federation of Television and Radio Artists).
Ngayong taon, maglalaban-laban ang mga pelikulang “Boyhood,” “Birdman,” “The Grand Budapest Hotel,” at “The Theory of Everything” sa category na best performance by a cast in a motion picture.
Sino-sinong Hollywood celebrities ang mag-uuwi ng parangal? Panoorin ang exclusive telecast ng Screen Actors Guild Awards tonight sa Lifestyle Network!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.