James pinagalitan sa pambababae kaya nakipag-date kay Nadine | Bandera

James pinagalitan sa pambababae kaya nakipag-date kay Nadine

Ervin Santiago - January 26, 2015 - 03:00 AM

james reid

NAGPIYESTA ang fans nina James Reid at Nadine Lustre nang kumalat sa social media ang larawan nila habang magka-date sa isang concert event noong Sabado ng gabi.

Nag-trending ang ipinost na mga larawan at video ng magka-loveteam habang enjoy na enjoy sa panonood ng concert ng British band na The 1975 sa SM Mall of Asia Arena nitong weekend.

Mismong si James Reid ang nag-post ng nasabing mga picture at video sa kanyang official Instagram account, kung saan makikita ngang kasama niya si Nadine habang nakikikanta sa hit song ng banda na “Chocolate.”

Bukod sa “Chocolate,” nakipagsabayan sa pagkanta sina James at Nadine sa iba pang popular na kanta ng kanilang favorite band (composed of Matty Healy, Adam Hann, George Daniel at Ross MacDonald), tulad ng “Heart Out”, “Girls” at “Sex.”

Nilagyan pa ni James ang litrato ng caption: “@nadzlustre Dressed in black, head to toe, guns hidden under our petticoats!” at “Settle down, #JaDine fans. #The1975 #The1975inMNL 012415!”

Grabe ang mga comments ng supporters nina James at Nadine, as in talagang nagpipiyesta sila dahil for the first time yata ay nag-post si James ng mga larawan nila ni Nadine habang magka-date.

Ibig sabihin daw nito, mukhang nagkakamabutihan na nga ang dalawang bagets sa tunay na buhay. In fairness, umabot na sa mahigit 24,000 “likes” at 1,700 comments ang video nina James at Nadine.

Ayon pa sa mga nagkomento, maligaya sila para sa dalawa dahil marunong na silang magpakatotoo. At bagay na bagay naman daw ang magka-loveteam.

Pero meron namang nagmaasim na nagsabing, siguro raw ay pinagalitan si James ng mga taong namamahala sa career nila ni Nadine matapos kumalat ang isang litrato kung saan may kasamang isang babae ang binata.

Sweet na sweet daw ang dalawa sa nasabing larawan kaya may ilang fans si Nadine na naimbiyerna sa kanya. Sey ng ilang netizens, wala raw respeto si James sa kanyang ka-loveteam dahil harap-harapan daw ang ginagawa nitong pambabastos kay Nadine.

Kaya naman ang naisip ng ilang intrigera, baka raw ang pagde-date nila ni Nadine sa nabanggit na concert event ang naging pambawi ng binata sa nagawa niyang “kasalanan” sa kanyang partner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending