John Lloyd wala pang planong pakasalan si Angelica
HINDI kasal ang priority ni John Lloyd Cruz ngayong 2015. Ito ang tila sagot ng aktor sa naglalabasang chika na nagpaplano na silang magpakasal ni Angelica Panganiban.
Naka-focus daw ang atens-yon ngayon ni John Lloyd sa kanyang career kaya wala raw kasalang magaganap anytime soon. Pero tulad nga nang si-nabi ni Angelica sa presscon ng movie nila ni JM de Guzman na “That Thing Called Tadhana”, totoong napag-uusapan din nila ang kasal.
“Alam mo, baliw kami pareho. Sino ba naman ang hindi gustong lumagay sa tahimik, hindi ba? Pero kung ang paglagay sa tahimik ay ihahalintulad mo sa kasal agad, eh maraming paraan para malagay sa tahimik,” ani John Lloyd sa isang interview.
“At this point, kakapirma lang natin ng (kontrata). I’d like to show my bosses na nasa top priority natin ang trabaho. Gusto natin na ma-achieve ang content ng kontrata, maka-deliver tayo sa pinirmahan natin, sa commitment natin sa network,” sey pa ng aktor.
Hirit pa niya, “Medyo matagal na din tayo sa industriya at bibihira na ‘yung mabigyan ng ganitong klaseng tiwala from the network. I guess ang kasunod noon, we have to prioritize ‘yung opportunity na ibibinibigay sa iyo, ang laki ng tiwalang ibinibigay sa iyo.”
Nape-pressure rin daw si Lloydie kapag napag-uusapan ang kasal, dahil hindi na naman daw siya bumabata, “Siyempre, maski sa sarili ko napi-pressure ako. I’m not getting any younger.
I’m 31 and this year I’m turning 32. John Lloyd Cruz is not getting any younger, that’s the headline. Imposibleng hindi ko maramdaman ang pressure. But it is good to know your priorities,” aniya pa.
Samantala, proud na proud si John Lloyd sa pagkapanalo bilang best actress ng kanyang GF sa Gawad Tanglaw para sa pelikulang “That Thing Called Tadhana” kung saan haka-tie nga niya si Nora Aunor para naman sa “Dementia.”
“Grabe, hindi ba? Ang galing kasi kahit sa ganoong scale, sa ganoong attempt, ‘yung talent talagang nagsa-shine. Kahit gawin mo sa ganoong scale, if it’s meant to shine, in that sense parang hindi mo siya mapipigilan.
Kaya sobra akong happy (para sa kanya).” “Kilala ko siya as an artist, very organic, very truthful sa dedication at sa craft niya. Alam mo kung paano siya magtrabaho so I couldn’t be more proud,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.