Ang kulit ng ating Pangulo | Bandera

Ang kulit ng ating Pangulo

Ramon Tulfo - January 22, 2015 - 03:00 AM

NGAYONG ibinasura na ng Korte Suprema ang disqualification ni Erap (Joseph Ejercito, popularly known as Joseph Estrada), makakatulog na siya ng mahimbing.

Mabigat na problema ni Erap ang disqualification case sa Supreme Court.

Kahit di niya sinasabi sa mga kaibigan niya, nababakas sa kanyang mukha ang pag-alala.

Biro mo, kung dinis-qualify siya ng Kataas Taasang Hukuman talsik na siya ngayon bilang alkalde ng Maynila.

Maganda ang pagpapatakbo ni Erap ng Maynila.

There is less crime now than during the previous administration dahil tinututukan niya ang kapulisan ng lungsod.

Naayos niya ang traffic sa Divisoria dahil pinaalis niya ang mga vendors sa gitna ng daan.
Ang Divisoria ang pinakamagulong trapik sa lungsod dahil sa mga vendors.

There is less corruption at the Manila City Hall dahil puwedeng dumeretso ang taumbayan sa opisina ni Erap kapag sila’y inagrabyado ng sinumang opisyal o empleyado ng City Hall.

Kung hindi namatay si dating Pangulong Cory, baka presidente si Erap ng pangalawang beses.

Pumangalawa si Erap kay Noynoy Aquino noong 2010 presidential election.

Nalampasan pa niya si Senator Manny Villar na gumastos ng limpak-limpak na salapi.

Nanalo si Noynoy dahil sa sympathy votes gawa ng pagyao ng kanyang ina.

Ipinagtanggol ng Malakanyang si Pangulong Noy sa mga batikos dahil sa kanyang pag-atake sa mga obispo nang dumalaw si Pope Francis sa Palasyo.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na nagsasabi lang ang Pangulo ng “totoo.”

Oo nga’t totoo ang sinabi ni P-Noy tungkol sa mga obispo, pero wrong timing nga siya.

Puwede naman niyang ipinagpaliban ang kanyang batikos sa mga obispo sa ibang pagka-kataon.

Bakit pa isinumbong pa niya sa Santo Papa ang pagsuporta ng ilang mga obispo kay Pangulong Gloria samantalang wala namang pakialam si Pope Francis doon.

Ang hindi talaga maintindihan ng karamihan ay bakit pa niya sinabi sa kanyang talumpati na naghirap ang kanyang pamilya noong martial law.

Sinabi niya na kinulong ang kanyang ama na numerong unong kritiko ni Pangulong Marcos.

Bakit pa inuungkat pa niya ang dinanas ng kanyang pamilya?

Kung hindi sila pinahirapan ni Marcos at hindi napatay ang kanyang ama na si Ninoy Aquino, magiging presidente kaya ang kanyang inang si Cory at magiging pangulo kaya siya?

Di ba blessing in disguise ang paghihirap ng pamilya Cojuangco-Aquino noong panahon ng diktadura?

Dapat tingnan ni Noynoy ang ganoong anggulo at huwag na siyang parang sirang plaka na sisihin si Marcos at si Gloria sa mga katiwalian ang kanilang administrasyon.

Patay na si Marcos at si Gloria naman ay under hospital arrest.

Bakit paulit-ulit na lang na binabanggit ni
PNoy ang kamalian nina Gloria at Marcos?

Bakit, wala bang mga anomalya noong panahon ng kanyang nanay bilang pangulo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kulit ng Pangulo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending