Eula vs Jean: Itutuloy ang bakbakan sa GMA 7 | Bandera

Eula vs Jean: Itutuloy ang bakbakan sa GMA 7

Ambet Nabus - January 22, 2015 - 03:00 AM

jean garcia
DAHIL numero uno ngang drama sa hapon ang The Half Sisters GMA 7, asahang patuloy pa rin ang pagganda ng kuwento nito. At ngayong 2015 nga ay papasok na rin dito ang karakter ni Eula Valdez.

Gagampanan niya ang role ng isang napakayamang haciendera na kukupkop sa karakter ng nagbabalik din sa soap opera na si Jomari Yllana (tatay ng half-sisters na sina Barbie Forteza at Thea Tolentino), na sa kuwento ay naaksidente at walang matandaan sa kanyang nakaraan.

Magkakainlaban sila at nang unti-unti nang bumabalik ang memory ni Jomari ay muling papasok sa conflict ang karakter ni Jean Garcia na siyang original love ni Jom.

“Naku, exciting ang muling pagsasama nina Eula at Jean. This time ay mga Kapuso televiewers naman ang mag-eenjoy sa nag-level up nilang kumpetisyon sa husay sa pagganap,” komento ng isang die-hard supporter ng Half Sisters kung saan kasama rin sina Andrei Paras at Derrick Monasterio, Ryan Eigenmann at si Tita Gloria Romero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending