Erap wagi; disqualification case ibinasura ng Korte Suprema
File Photo: Inquirer.net
MANANATILING alkalde ng Maynila si dating Pangulong Joseph Estrada matapos ibasura ng Korte Suprema Miyerkules ng umaga ang disqualification case na inihain laban sa kanya.
Sa botong 11-3, kinatigan ng Korte ang naunang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagdedeklara sa dating pangulo na kwalipikado siyang tumakbo bilang mayor noong 2013 elections.
Ang disqualification case ay isinampa ni dating Manila Mayor Alfredo Lim at ng abogadong si Alicia Risos-Vidal.
Ang tatlong mahistrado na naniniwalang dapat idiskwalipika si Estrada ay sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, at Associate Justice Marvic Leonen. Nag-inhibit naman si Associate Justice Francis Jardeleza sa kaso.
Iginiit ng mga petitioner na hindi kwalipikado si Estrada na makatakbo sa anumang posisyon matapos siyang mapatunayang guilty sa kasong pandarambong noong 2007 at masintensiyahan ng habambuhay na mabilanggo. Binigyan siya ng presidential pardon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending