Michael magko-concert sa US, Canada at Europe
Rest day ng anak-anakan nating si Michael Pangilinan ngayong araw na ito dahil the past days ay subsob siya sa singing engagements niya.
Nu’ng isang araw ay umaga na natapos ang kaniyang show sa San Jose, Tarlac – it was so much fun and sobrang nag-enjoy ang mga tao kung saan nanggaling pa sa iba’t ibang baryo ng San Jose ang audience.
Pagdating ng Quezon City that early morning, Michael had to pack and proceeded to NAIA Terminal 3 para hindi mahuli sa flight nila nina Miggy Campbell and Dominic Rea sa Midsayap, South Cotabato.
Si Michael kasi ang very special guest nila roon. Kahapon ng after lunch na sila nakabalik ng Manila. Ngayong back-to-work na ang lahat, puspusan nang inihahanda ng Star Records and Erase Placenta ang recording ni Michael for his second album.
Ang gaganda ng kanta sa full album na ire-record ni Michael – 10 songs ang gagawin niya this time dahil napakaraming magagandang naka-line-up silang materials for them.
Maliban doon, busy rin si Michael preparing for his pre-Valentine concert to be held at Teatrino (Promenade, Greenhills) on Feb. 11, 8:30 p.m.. Magiging guest niya rito sina Morisette Amon, AJ Tamiza, Le Chazz and Ms. Malu Barry, sa musical direction ni Tito Butch Miraflor.
Then, inaayos na ang US, Canada and European shows ni Michael kaya ariba si bagets sa pagdyi-gym at pag-aaral ng mga songs. Medyo nag-gain kasi ng weight ang anak natin this past holiday season kaya he has to burn them all.
“Hindi na ako masyadong nagra-rice. Plus regular basketball para magpawis. Then, sleep pag merong time. Ngayon ko lang na-realize ang sarap ng pagtulog pag wala akong work.
Dati kasi, ngaragan sa gimik pero naramdaman kong ako rin pala ang nahihirapan kaya natauhan na ako. Ha-hahaha!” aniya na ikinatuwa naman naming mga tiyahin niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.