THERE is one in a million chance na mababasa ito ni Pope Francis, pero baka lang may isa sa kanyang entourage na taga Vatican na marunong magsalita ng Tagalog ang makabasa nito at sabihin sa kanya.
Ang Simbahang Katolika sa Pilipinas ay hindi marunong magpatawad.
Hindi napatawad ng Simbahan ang tour guide na si Carlos Celdran na magmartsa sa gitna ng Manila Cathedral ilang taon na ang nakararaan na bitbit ang placard na may nakasulat na “Damaso.”
Si Damaso ay isang character sa “Noli Me Tangere,” isang nobela ni Dr. Jose Rizal na nagbunyag ng pang-aabuso ng mga pari noong panahon ng Kastila.
Si Damaso ay isang prayle na abusado at ipokrito. Siya ang ama ni Maria Clara na isa sa mga pangunahing characters sa “Noli.”
Dahil sa Noli Me Tangere, si Rizal ay inaresto ng mga Kastila at pinaharap sa firing squad.
Sabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, pinatawad ng Simbahan si Celdran at hiniling sa mga awtoridad na ibasura na ang kaso.
Ang kaso ay “offending religious feelings” na may kaparusahan na isang taong pagkabilanggo.
Sinabi ng mabait na Cardinal na ang “People of the Philippines ” o taumbayan ang nagpursige ng kaso kay Celdran.
Ipagpatawad po ninyo, Your Eminence, pero yan ay pagsisinu-ngaling.
Walang kasong kri-minal sa bansa na naipagpapatuloy ng korte kapag walang nag-rereklamo.
Sana mapagsabihan ni Pope Francis ang Catholic clergy sa bansa na marunong magpatawad.
Para akong killjoy na inuungkat ang kaso ni Celdran samantalang lahat ng aking kababayan ay binibigyan si Pope Francis ng masigabong pagsalubong.
Pero kailangang makarating sa Vatican ang pagiging ipokrito ng Simbahan.
Hindi lang di marunong magpatawad ang Simbahan sa bansa, sinungaling at ipokrito pa ito.
Nakikisimpatiya ako kay Cyril Belvis na sumulat ng komentaryo sa opinion page ng INQUIRER, sister publication ng Bandera.
Si Belvis ay nagtuturo ng Literature sa De La Salle Araneta University at kumukuha ng postgraduate studies sa University of the Philippines (UP).
Sinabi ni Belvis na gusto niya maging pari pero hindi siya tinanggap.
Inamin kasi ni Belvis na siya’y isang gay o bading.
Ibig sabihin, yung mga naging pari na bakla ay di inamin ang kanilang kasarian.
Marami akong alam na pari na bakla.
May kilala akong pari na dumalo sa aking handaan sa isang pista na kasama kanyang dalawang guwapong sacristan.
Nakita ko silang naghaharutan sa sulok at nasagwaan ako.
May alam akong bakla na na-promote sa isang puwesto na higit pang mataas sa pari sa ating bansa.
Ang hilig naman ng nasabing clergyman ay mang-akit ng mga seminarista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.