Horoscope, January 17, 2015 | Bandera

Horoscope, January 17, 2015

Madam Sophia - January 17, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2015 hindi maiiwasan ang problema, pero maiiwasan ang mga taong walang kuwenta. Iwasang makipagkuwentuhan sa kanila, upang hindi ka mamroblema. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 9, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Green at orange ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) —Bagamat okey na ang trabaho, maghanap ka pa rin ng dagdag na pagkakakitaan upang mas madaling lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, kahit okey ang isang Taurus, mas higit kang kikiligin sa isang Libra. Mapalad ang 8, 16, 23, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Yellow at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)   —Sa pag-ibig, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre, ka-tugma mo siya. Sa pinansyal, ang nasabi ding kasuyo ang sayo ay magpapayamana. Mapalad ang 6, 18, 24, 37, 42 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Blue at maroon ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansyal, negosyong may kaugnayan sa cell phone, computer, ipad, internet at iba pang modernong kasangkapan ang magbibigay ng pag-unlad. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang lumang kasuyo, palitan ng bago na may zodiac sign na Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Silver at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)  —Sa pag-ibig, kung nanlalamig ang relasyon ikaw ang mag-initiate upang ito ay muling uminit. Sa pinansyal ipakita sa kanila ang ehemplo ng isang masinop na pamumuhay. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yara-Salvame-Om .” Green at gold ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sun ang iyong ruling planet. Upang maiwasan ang hindi kanaisnais na karamdaman, laging mag-bilad sa araw tuwing unang oras sa umaga. Sa ganyang paraan lalakas ang iyong enerhiya. Sa pag-ibig, mamayang gabi magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 7, 9, 20, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at yellow ang buenas.

 Virgo – (August 23 – September 22)—Panatiliin ang pagiging relaks.  Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate araw-araw. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.

 Libra – (September 23-October 23) —Upang huwag maubos ang salapi, sumunod sa mungkahi ng kasuyo. Unti-unti lang ang pag-gastos. Hindi kailangan ang pagkaing mahal na masarap, sa halip pagkaing mura lang pero masustansya ang dapat. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Swami-Budhananda-Om.” Lilac at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)  —Habang lumalamig ang panahon pagpatak ng dilim, romansahin ang kasuyo na matampuhin upang muling umiinit ang nanlalamig na relasyon. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain, upang yumaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung may problema na naman, ituloy ang nakaugaliang pagdarasal. Habang naririto pa sa bansa si Papa Francis, subukan mo rin siyang mapuntahan, upang magkaroon ka ng dagdag pang biyaya at magandang kapalaran sa taong ito ng 2015.  Mapalad ang 2, 16, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Violet at orange ang buenas.

 Capricorn – (December 22 – January 19)—a taong ito ng 2015 gawing kalugod-lugod ang trabaho. Kung masaya ka sa ginagawa mo, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, kung kapwa kayo happy ng kasuyo, mas maraming suwerteng darating. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag ubusin ang salapi dahil sa pag-ibig, baka mabigo ka na naman. Hayaan mong kusang dumating ang isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Libra, siya ang pang habang buhay mong makakasama.  Mapalad ang 4, 13, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Black at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) —Wag mag-alala, sa pinansyal, kung kailan ka walang-wala bigla ang dating ng napakalaking halaga. Sa pag-ibig, hintayin ang pagdating ng isang Scorpio upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 28, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Aum-Agiel-Ophiel-Om.” White at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending