‘CRISTINE REYES laitera, sumbatera, feeling dyosa | Bandera

‘CRISTINE REYES laitera, sumbatera, feeling dyosa

- April 24, 2012 - 03:33 PM

KAHIT ano pa sigurong pag-aayos ang gawin ng mga namamahala sa karera ni Cristine Reyes hinggil sa pambabastos nito sa kanyang kapatid na si Ara Mina, mahihirapan na silang maibalik ang gumaganda na sanang imahe nito.

Sa totoo lang kapatid na Ervin, mas natatakot ang nasa paligid ngayon ng aktres kahit ang mga kaibigan o katrabaho nito dahil sa ginawa nito sa kanyang ate.

Talagang literal na walang gustong kumampi kay Cristine o unawain man lang siya dahil sa grabeng pang-aalipusta at pagyurak sa pagkatao ng nakatatanda nitong kapatid.

Tsika ng isang nakausap namin, “Kahit sinong lalaki ay matatakot nang makipagrelasyon sa kanya dahil siya pala yung tipo ng tao na ibabandera ang lahat ng sikreto mo kapag naging magkaaway kayo.”

Hirit naman ng isang katrabaho nito, “Dangerous! Siguro kahit friendship e, mahirap nang ibigay sa babaeng iyan dahil sumbatera, laitera at feeling dyosa. Mawawala ang pagkatao mo kapag nakipag-away ka sa mga ganyang klaseng tao.”

Pero ang nakakaloka ay yung mga mensaheng natanggap namin na galing mismo sa mga dating kapitbahay nina Cristine sa Marikina City. Tsika ng isa,

“Noon pa mang maliit iyan ay sobrang maldita na.

Masyadong mataas ang tingin sa sarili niya. Kahit noon pa, pabalang na iyan kung sumagot sa mga nakatatanda.

Pasaway na pasaway. Very deceiving ang hitsura niyang maamo at mabait sa tunay niyang ugali.”

Ilan lang po iyan sa mga narinig naming mga komento matapos ngang ibilad sa publiko ng nagsisikat-sikatang si Cristine ang mga umano’y reklamo, hinaing at disgusto niya sa kanyang ate na di hamak namang mas maraming napatunayan na sa industriya pagdating sa galing sa pagganap at pagiging sikat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending