May karapatang magalit si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses kay Cristine Reyes.
Idinamay siya ng young actress sa matinding hidwaang namamagitan sa kanila ngayon ng kanyang kapatid na si Ara Mina.
Kinaladkad nito ang pangalan ng politiko sa galit nito sa kanyang kapatid, pinalalabas ngayon ni Cristine na si Mayor Patrick ang nagbabayad sa malala-king pagkakautang ng kanyang ate, sinabi nito ang imbentong impormasyon sa mismong ina ni Mayor Patrick na nananahimik.
Meron pang insinwasyon ang ba-lahurang si Cristine kung alam daw ba ng mga nasasakupan ng mayor ang kanyang mga ginagawa?
Parang gustong idiin ng dalaga na pinakikialaman ni Mayor Patrick ang kaban ng yaman ng kanyang bayan para lang bayaran ang mga utang ni Ara kung totoo ngang meron.
Sumosobra na itong si Cristine, pati ibang tao ay i-dinadamay na nito sa kanilang away ni Ara, ni hindi na nahiya ang babaeng ito sa mga taong nagugulo ang buhay at karera nang dahil sa kanya. Sa isang pakikipag-usap namin kay Mayor Patrick ay pagkagulantang ang nakuha naming reaksiyon mula sa binatang politiko, “I really don’t know why she said that.
Walang ganu’n, bakit magka-kaganu’n ang situation when there is no reason naman for us to do it?“Naguguluhan lang ako kung bakit pati ako, idina-drag ni Cristine sa mga problema nila.
Naaawa lang ako kay Ara, mahal niya kasi ang mga kapatid niya,” maigsing pahayag ni Mayor Patrick. along-talo si Cristine Reyes sa paghusga ng ating mga kababayan, hindi nga naman hinihingi ng sitwas-yon ang pambabalahura-paninira at pangungutya nito sa kanyang kapatid, siguradong magkakaroon ng negatibong epekto ‘yun sa maganda pa naman sanang career ni Cristine Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.