Relasyong KC-Paulo peke, pilit na pilit ang pagiging sweet | Bandera

Relasyong KC-Paulo peke, pilit na pilit ang pagiging sweet

Cristy Fermin - January 14, 2015 - 03:00 AM

paulo avelino
Niluluto nang husto ang diumano’y romansang namamagitan ngayon kina Paulo Avelino at KC Concepcion. Palaging laman ‘yun ng mga pahayagan, maraming press release tungkol sa kanila, pero sa kabila nu’n ay malagihay pa rin ang pagtanggap ng publiko sa sinasabing relasyon nila.

Walang iniwan ‘yun sa tambalang Xian Lim at Kim Chiu na halos ipagduldulan na sa ilong ng mga kababayan natin, pero hanggang ngayo’y pinagtataasan pa rin ‘yun ng kilay ng mas nakararami, walang naniniwala sa kanilang relasyon daw.

Hardsell ang pagbebenta sa pag-uugnay kina KC at Paulo, parang pilit na pilit, kahit pa sabihing palaging nandiyan lang ang aktor sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ng dalaga.

Sa totoo lang, in fairness, mabuti pa nga ang nakaraang relasyon nina KC at Piolo Pascual at kinagat ng publiko. Sabihin nang kuwestiyonable ang gender ni Piolo pero kumpara kay Paulo ay mas sinakyan pa nga ng ating mga kababayan ang relasyon nila ni KC.

Pakiramdam kasi ng mas nakararami ay parang ginagawa lang na tungtungan ni Paulo si KC, parang kailangan lang idikit ang kanyang pangalan sa dalaga ng Megastar, para siya makilala.

Guwapo, pero matamlay ang presensiya ni Paulo Avelino, idagdag pa ang mga hindi kagandahang kuwentong personal nu’n na naugnay sa kanila ni LJ Reyes at ng kanilang anak.

Kumbaga sa prutas ay pilit na pilit ang ginagawang pagpapahinog sa relasyon nina Paulo at KC, at kapag pilit at kinalburo, mapakla ‘yun sa panlasan ng publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending