SA Nueva Ecija tumaya ang nanalo ng P160 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 noong Linggo.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa mga lumabas na numerong 38-31-19-13-34-06. Ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Zaragosa, Nueva Ecija. Nagkakahalaga ng P56.4 milyon ang itinaya para sa naturang bola. Nanalo naman ng tig-P60,060 ang 47 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P890 naman ang 2,535 mananaya na naka-apat na numero at ang balik-taya ay 47,283 mananaya.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending