Marian, Dingdong puring-puri ng mga OFW sa Italy
Sangkatutak ang Pinoy sa Italy. Kahit saang lugar ka magpunta du’n ay naglipana ang mga Pilipinong nakikipaglaban sa buhay, nalulungkot, pero dahil sa pangarap nilang maiahon ang kanilang mga pamilya sa kahirapan ay tinitiis nila ang kalungkutan.
May isang bayan sa Batangas na halos lahat ng mga OFW ay nasa Italy. Naggagandahan ang kanilang mga bahay, nagkukumpetisyon sa palakihan, “Katas Ng Italy” ang nakasulat sa gate ng kanilang mga bahay.
Nagbalikbayan ang ilan sa kanila, sa Italy sila nag-Pasko at Bagong Taon, pero humabol sila sa pista ng Itim Na Nazareno dahil puro sila deboto.
Nakita pala nila sa Italy ang mga bagong kasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, mababait daw ang mag-asawa, walang reklamo kapag may mga kababayan tayong lumalapit sa kanila para makapagpa-picture taking.
Sabi ng isang impormante, “Okey sila, mababait, nakikipagkuwentuhan pa nga si Dingdong sa mga kababayan natin du’n. Naikumpara tuloy nila ang dalawang artistang nag-shooting din nu’n sa Italy, kapag papalapit na raw ang mga Pinoy, biglang mag-aalisan.
“May pagkamaldita ang girl, may kaartehan naman ang lalaki. ‘Yung babae, magulung-magulo ang personal na life ngayon. ‘Yung aktor naman, pinagdududahan pa rin ang gender,” simpleng komento ng source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.