Yayaman na ba ngayong 2015? (2) | Bandera

Yayaman na ba ngayong 2015? (2)

Joseph Greenfield - January 08, 2015 - 02:21 PM

Sulat mula kay Norie ng Poblacion, Tambuling,  Zamboanga del Sur
Problema:
1.      Maliit na bata palang ako ay pangarap ko na pong yumaman, kaya naman nagsikap akong makatapos ng kolehiyo sa sarili kong kayod. Hanggang sa ako ay makapag-asawa. Ang problema nakapangasawa  ako ng isang lalaking iresponsable at walang pangarap sa buhay. Sa ngayon nagtatrabaho ko habang walang permanenteng trabaho ang mister ko.
2.      Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa buhay ko kung paano ko maitataguyod sa kolehiyo ang aming mga anak. Sana malaman ko kung sa ganitong uri ng aming buhay may pag-asa pa kaya kaming yumaman? Sa ngayon nag-aaplay ang mister ko sa abroad, hindi ko alam kung matutuloy siya. May 14, 1979 ang mister ko at September 8, 1982 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Norie ng Zamboanga Sel Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Taurus naman ang mister mo ay nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo. Kaya kung aalinsin mo na sa isipan mo ang mga “negatibong paratang mo sa iyong mister” sa halip ay i- encouragement mo siyang lumakas ang kanyang loob at bigyan mo siya ng “inspirational words” tulad ng naipaliwanag na, mas madaling mapapanuto ang inyong kabuhayan at ang inyong pamilya ay tuloy-tuloy ng uunlad.
Numerology:
Dagdag dito bukod sa compatible kayong mag-asawa sa Astrology sadya ring tugma ang birth date mong 8 sa birth date niyang 14. Ibig sabihin, kung babaguhin mo ang “maling pananaw at paratang mo sa iyong asawa” sa taon ding ito ng 2015, makapag-aabroad siya at makapag-nenegosyo ka naman na kung saan, ang taong ito ng 2015 ay magiging simula upang tuloy-tuloy ng umunlad at yumaman ang inyong pamilya.
Graphology:
Samantala bahagyang inobasyon o pagbabago lamang ang dapat mong gawin sa iyong lagda. Imbis na maikli ang “krokes sa tuktok ng letrang t” sa iyong aplido, habaan mo ang nasabing krokes. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy na kayong liligaya at uunlad.
Huling payo at paalala:
Norie ayon sa iyong mga datos basta’t binago mo ang negatibong pananaw mo sa iyong asawa, at inengcourage mo siyang maging mabuting ama at asawa, yon ang kusang magaganap – nakatakda ng makapag-abroad ang iyong mister habang ikaw naman ay makapagnenegosyo ng tinadahan, dahil sa dalawang paraang nabanggit, tulad ng nasabi na, sa taon ding ito ng 2015 magsisimula ng umunlad ang inyong pamilya hanggang sa tuloy-tuloy ng yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending