Yayaman na ba ngayong 2015? | Bandera

Yayaman na ba ngayong 2015?

Joseph Greenfield - January 07, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Norie ng Poblacion,  Tambuling, Zamboanga del Sur
Dear Sir Greenfield,
Maliit na bata palang ako ay pangarap ko na pong yumaman, kaya naman nagsikap akong makatapos ng kolehiyo sa sarili kong kayod. Hanggang sa ako ay makapag-asawa. Ang problema nakapangasawa  ako ng isang lalaking iresponsable at walang pangarap sa buhay. Sa ngayon nagta-trabaho ko habang walang permanenteng trabaho ang mister ko. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa buhay ko kung paano ko maitataguyod sa kolehiyo ang aming mga anak. Sana malaman ko kung sa ganitong uri ng aming buhay may pag-asa pa kaya kaming yumaman? Sa ngayon nag-aaplay ang mister ko sa abroad, hindi ko alam kung matutuloy siya. May 14, 1979 ang mister ko at January 8, 1982 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Norie ng Zamboanga Sel Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Guhit ng Negosyo sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin kung bibigyan ka lang ng pagkakataon na magkaroon ng puhunan at makapagnegosyo, tiyak ang magaganap sa pamamagitan ng pagtitinda, yayaman kayong mag-asawa
Cartomancy:
Jack of Diamonds, Five of Clubs at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong ito ng 2015, sabay kayong susuwertehin ng mister mo, basta’t mag tiwala ka lang sa kanya at imbis na “i- discourage” mo siya ay bigyan mo ng encouragement. Sa ganyang paraan mas madaling mapapanuto ang inyong kabuhayan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending