Ai Ai niregaluhan ng ‘Virgin Mary’ necklace ni Kris | Bandera

Ai Ai niregaluhan ng ‘Virgin Mary’ necklace ni Kris

Reggee Bonoan - January 03, 2015 - 03:00 AM

aiai delas alas
Dahil alam ni Kris Aquino kung ano talaga ang gustung-gustong regalo ni Ai Ai delas Alas, binigyan niya ito ng isang necklace na may tatlong pendants.

Ito’y matapos nga silang magkabati sa mismong kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong Dec. 30 sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Q.C., kung saan pareho silang na-ging bahagi ng entourage.

Sa post ni katotong Ogie Diaz sa kanyang Instagram, ipinakita nito ang ibinigay na regalo ni Kris sa nakatampuhang BFF – isa itong kuwintas na may tatlong pendant na may image ni Virgin Mary. Kilala ka-sing Marian devotee ang Comedy Queen.

Nilagyan pa ni katotong Ogie ng caption ang nasabing picture, aniya: “Gift ni @aquinokristinabernadette sa kanyang Friendship na si Ai-Ai sa kanilang pagbabati sa #DongYanWeddingDay.

Suot ito ni Ai-Ai nung datnan ko sa bahay niya at siya pa ang naglatag niyan sa kahon para bongga daw ang shot ko.” Kung matatandaan, halos isang taon ding tumagal ang “misunderstading” nina Ai Ai at Kris, nagsimula ito nu’ng mamatay ang nanay ng ko-medyana.

“Talagang pinag-adya ng Diyos ang pagkikita namin dahil nagtampo ako sa kanya December 30 last year yon na namatay ang nanay ko, tapos ngayon, saktong one year na yon at okay na kami,” ang sabi pa raw ni Ai Ai kay katotong Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending