Napaiyak si Ruffa Gutierrez sa presscon ng pelikulang “The Mommy Returns” ng Regal Films nitong Lunes dahil nadadamay na raw ang mga anak niya sa away ng mommy niyang si Annabelle Rama at Nadia Montenegro.
May tweet daw kasi si Nadia na kesyo may kakambal daw si Lorin na ibinenta raw nila noon.
“I heard things, nasty things being said about my children—all these terrible, horrible stories.
You know, they’re very young—they’re seven and eight years old—and I don’t think na dapat idinadamay pa ‘to sa mga ganitong problema.
“So, alam siguro ng ibang mga reporter na nakarinig na emotional din ako, di ba?
Huwag naman sanang madamay yung mga bata,” umiiyak na pahayag ni Ruffa.
“I mean, how can you invent these stories?
Alam naman ng mga tao, na kasama ko yung mga kaibigan ko, na hindi ako nanganak nang kambal!” sabi pa ni Ruffa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.