Kris gustong makasama si Herbert hanggang kamatayan
Kinlaro na ni Kris Aquino sa programang Aquino & Abunda Tonight noong Lunes kung bakit dumaan sa bahay nila si Quezon City Mayor Herbert Bautista kamakailan.
Naunang sinabi sa amin ni Kris nang tanungin namin kung ano ang naramdaman niya sa pagpunta ng alkalde sa bahay niya noong Linggo ng gabi habang isinasagawa ang thanksgiving mass kasama ang Kris TV staff na na-surprise siya sa ginawa ni Bistek.
Pero inamin pa rin ng TV host-actress na, “We are friends. He will always be special, but maybe I’m meant to be on my own.”
At sa A&A nga ay naikuwento na ni Kris na noong naospital siya kamakailan dahil sa severe allergy ay kinumusta rin siya ni Bistek at nagpahayag pa ng suporta sa pelikula nila ni Coco Martin na “Feng Shui”.
Nabanggit pa na niyaya ni Bistek si Kris na mag-lunch noong Pasko sa bahay nila pero tumanggi na ang TV host dahil baka raw ma-misinterpret na naman niya ito.
Katwiran ni Kris, “I’m still a girl. At some point, we shared something special. ‘Kung pupunta ka, baka kung ano pang interpretation ang ibigay ko.”
Sumunod naman daw si Bistek at nagpaalam kung puwede siyang dalawin nito sa ibang araw at ito nga ‘yung Linggong nagpunta siya sa bahay ni Kris.
Hindi naman nagtagal ang alkalde dahil nga nakita niyang maraming tao sa bahay ng TV host bukod pa sa may nakatutok na mga TV camera.
Inimbitahan naman ni Kris si Bistek na pumasok sa loob ng bahay niya para sa thanksigiving mass pero tumanggi na ang huli.
Say ni Tetay, “I want him to remain a part of my life, I want us to be friends until our dying day.
I hope hindi na nila lagyan ng any other kahulugan apart from the fact that we managed to become friends. Ang ganda, the year started, we rekindled the friendship and the year is ending, I can safely say he is one of my closest friends.”
Samantala, nagkaroon ng outreach program si Kris sa mahigit 500 tagalinis ng kalye sa buong Baclaran at 85 staff ni Fr. Ino Cueto ng Baclaran church. Kasama niyang namahagi ng regalo sina Coco Martin at Shaina Magdayao.
At ang special guest singers sa nasabing charity event ay sina Morissette Amon at KZ Tandingan na ipinalabas kahapon sa Kris TV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.