Bagong chess talents pagtutuunan ng NCFP | Bandera

Bagong chess talents pagtutuunan ng NCFP

Mike Lee - December 30, 2014 - 12:00 PM

DAHIL hindi kasama sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore kaya’t pagtutuunan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang paghubog sa talento ng mga local players.

Isiniwalat ni NCFP executive director Grandmaster Jayson Gonzales ang plano na magkaroon ng mas maraming local tournaments para sa mga batang manlalaro bukod sa pagpapadala sa kompetisyon sa labas ng bansa para sa mga elite players.

“Wala kami sa SEA Games kaya ang concentration ay players development. Maraming tournaments ang gagawin natin para maka-tap pa ng mga mahuhusay na manlalaro habang ang mga elite natin ay magka-campaign sa ibang bansa para mahasa in preparation sa mga malalaking tournaments sa 2016,” wika ni Gonzales.

Isa sa pagtutuunan din ng NCFP ay ang makuha nina Woman International Masters Janelle Mae Frayna, Jan Jodilyn Fronda at Mikee Suede ang dalawa pang GM norms para maging kauna-unahang Woman Grandmaster ng bansa.

“Hindi pa tayo nagkakaroon ng WGM sa bansa at ito ang isa sa ipu-push namin sa 2015. Nakakuha na ng tig-isang GM norm sina Frayna, Fronda at Suede at tutulungan namin sila para makuha ang dalawa pa. Magsagawa kami ng isang international tournament para sa kababaihan at ipadadala rin sila sa mga tournaments sa labas ng bansa para sana bago matapos ang papasok na taon ay may WGM na tayo,” pahayag pa ni Gonzales.

Magkakaroon ng sapat na pondo ang NCFP para sa mga plano dahil kasama ang chess sa sampung priority sports na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending