Kubong nasusunog, hindi pinansin ng BFP | Bandera

Kubong nasusunog, hindi pinansin ng BFP

Ramon Tulfo - December 30, 2014 - 03:00 AM

NASUSUNOG ang bahay ng basurera na si Tina Fronda, 70, ng Barangay Moras dela Paz, Sto, Tomas, Pampanga noong madaling araw ng Pasko.

Tumakbo ang isa sa kanyang mga kapitbahay sa Sto. Tomas fire station dahil walang sumasagot sa number nito kahit na ilang tawag ang ginawa ng mga kapitbahay.

Nang ang humaha-ngos na kapitbahay ay dumating sa fire station upang ireport ang sunog, tinanong siya ng desk officer kung anong klaseng bahay ang nasusunog.

“Kubo po,” sabi ng taong nagmamagandang-loob.

“Kubo lang pala, kaya na ninyo(ng puksain) yan,” sabi ng desk officer.

Ang dumating na mga bumbero ay yung taga-San Fernando, Pampanga fire station.

Pero huli na ang lahat.

Nasunog ang matandang si Tina Fronda.

Di magkandatuto sa pagsagot si Insp. Shiela Marie Florendo, ang fire marshall ng Sto. Tomas, kung bakit hindi tumugon sa emergency call ang kanyang istasyon.

Ang nasabi lang niya ay “iimbestigahan ko po, sir,” sabi ni Florendo sa inyong lingkod sa live interview sa radyo DWIZ kung saan on air ang a-king programang Isumbong mo kay Tulfo.

Hindi rin niya maibigay ang pangalan ng desk officer sa fire station na nagsabi, “Kubo lang pala” at itinaboy na ang nagsusumbong.

Puwede ba namang hindi malaman ni Florendo ang pangalan ng desk officer?

Napakarami ba nila na hindi niya alam kung sino ang naka-assign sa anong shift?

Dapat ay mapalitan si Florendo at yung desk officer, at masampahan pa ng administrative and criminal cases.

Criminal negligence ang nangyari sa Sto. Tomas na ikinamatay ni Tina Fronda.

Alam ba ninyo na mas mapagkatiwalaan ang mga Chinese fire volunteers kesa mga bumbero ng gobyerno sa Bureau of Fire Protection (BFP)?

Ang mga Chinese volunteers ay nauuna pa sa mga taga-BFP sa mga sunog sa Metro Manila.

Pagdating ng mga BFP firemen, patay na ang sunog.

Kung hindi man nila napatay ang sunog dahil lubhang malaki na, hindi nila kinukulimbat ang mga bahay na nasusunog.

Ang mga bumbero ng gobyerno ay notorious sa looting sa mga bahay na nasusunog.

Kung hindi sila
naglu-loot ay naghihintay sila ng lagay ng may-ari ng bahay na nasusunog.

Kapag hindi nagbigay ang may-ari ng bahay ay dahan-dahan ang kanilang pagkilos.

Maraming taon na ang nakararaan, nakialam ang inyong lingkod sa sunog sa Ermita, Maynila.

Naghapi-hapi kami ng aking mga kaibigan sa isang bar sa Ermita noong dekada ‘90 nang ang may sumigaw na waitress na nasusunog ang isang bahay na kalapit ng bar kung saan kami.

Akala ko ay aasikasuhin na ng mga bomberong gobyerno ang nasusunog na bahay na may kalakihan din.

Nang nakita ko na pabandying-bandying lang ang pagpatay nila ng apoy, lumabas ako sa bar.

Ewan ko kung dala yun ng kalasingan o talagang nagmamalasakit ako sa may-ari ng bahay at mga bahay sa kapaligiran, pero inagaw ko ang hose sa bumbero na patay-patay.

Itinuon ko ang hose sa nasusunog na bahay at hindi ko sila pinansin.

Doon lang sila kumilos.

Napatay ang sunog ng walang naglagay sa mga may-ari ng bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakabantay kasi ang inyong lingkod.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending