Pangamba ni Mega: Paulo baka buntisin lang si KC at pabayaan | Bandera

Pangamba ni Mega: Paulo baka buntisin lang si KC at pabayaan

Jobert Sucaldito - December 30, 2014 - 03:00 AM

sharon cuneta
NOT because hindi siya royalty kaya ayaw diumano ni Megastar Sharon Cuneta kay Paulo Avelino for her daughter KC Concepcion. Ang narinig namin, because of a certain kakaibang attitude daw ng aktor kaya na-turn off si Shawie.

Ayaw daw ni Sharon na matulad ang kaniyang dalaga kay LJ Reyes na inanakan lang ni Paulo at halos itanggi sa buong mundo.

Kung kami ang tatanungin, bilang “tiyahin” ni KC, wiz din namin feel itong si Paulo dahil halata namang ginagamit lang niya ang dalaga for some reasons.

Ito naman kasing anak-anakan nating si KC ay mukhang head-over-heels din sa binatang ama kaya kahit harangan man natin ng sibat ang relasyon nila, mukhang madidismaya lang tayo.

Kaya pikit-mata na lang namin silang pinababayaan dahil nasa tamang edad na sila to decide what’s best for them. Hindi man nila tahasang inaamin sa public ang relasyon nila, but we can feel na sila na talaga.

Marami lang silang paechos pero feeling namin “done-deal” na ito. Kumbaga, selyado na ang relasyong iyan. Promise. “You mean, pinaiikot lang tayo nina KC and Paulo? Hindi totoong nasa getting-to-know-each-other stage pa lang sila? Kungsabagay, marami nang nababalita tungkol sa kanila at mukha ngang they’re just taking us for a ride,” anang isang barkadang manunulat.

Kung bagay silang dalawa o hindi ay immaterial na sa amin iyan – ang dasal na lang namin ay sana mahalin nang totoo ni Paulo si KC at huwag iwanan pag nakuha na ang hangad.

Huwag nga sana siyang matulad sa nangyari kay LJ Reyes na matapos maanakan ay bigla na lang naghiwalay. Aba, masakit din ang dinanas noon ng aktres, imagine talagang iwas na iwas noon si Paulo na pag-usapan ang tungkol sa kanyang anak?

Kailan lang naman iyan naging open sa pagkukuwento tungkol kay Aki, di ba? Sana ay panindigan naman niya ito at aminin sa publiko when the time comes.

At sana’y huwag itong pagsisihan ni KC dahil honestly, wala kaming tiwala sa lalaking ito for her. Kung bakit ay amin na lang, OK?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending