Vice Ganda pera at kasikatan pa rin ang nasa isip
LOSING a loved one is truly painful. And take note, no one prepares for someone’s death. Lahat naman tayo ay nakararanas na magluksa – masakit ang namamatayan and this is one thing that most of us truly fear pero wala tayong magagawa.
It really happens kaya kailangan lang talaga ng tibay ng loob. In the case of Vice Ganda, siyempre nalungkot din kami for him when his 92-year old lolo Gonzalo passed away na inilibing na yesterday sa Eternal Gardens.
We can relate to that – kasi nga laking lola naman kami. Totoong iba rin mag-alaga ang mga grandies natin. Some say na mas masarap magmahal ang mga lola kaysa sa mga ina.
Kasi nga, meron tayong kasabihang “mas mahal ang tubo sa puhunan” and that refers to grandparents to their apos. But that also doesn’t mean na hindi tayo ganoon kamahal ng mga magulang natin – kasabihan lang po iyon that sometimes applies to some situations.
Okay na sana ang pagkalungkot ko nang marinig kong namatayan nga si Vice Ganda. Pero na-turn off lang ako sa sinabi ni Vice mismo na pumayag na rin siyang lumisan ang lolo niyang nakaratay noon sa ICU ng isang hospital dahil stable na naman daw siya.
Parang siniguro lang daw ng lolo niyang mag-number 1 sa takilya ang pelikula niya kasama sina Richard Yap at Bimby sa MMFF bago ito lumisan.
I found that very TERRIBLE! I found that statement very distasteful. Bumalik ang mga luha sa mga mata ko when I read that statement ni Vice. Naisip pa niya ang kita sa takilya as his lolo passes away? That’s a stupid line. Totoo ba iyon?
May ganoon bang wish ang lolo niya – specifically and pag-number 1 ng “Praybeyt Benjamin” sa box-office bago ito pumanaw? Oh no! Anong klaseng promo slant ito? Hindi ito totoo? Please – pakisabi, hindi ito totoo at baka mawalan ako ng ulirat.
Nakikisimpatiya kami sa pagpanaw ng lolo ni Vice pero hindi ko maatim ang sinabing iyon ng komedyante. Please lang!!! Ang isang taong mamamatay ay hindi na iisipin iyon – hindi nito sasabihing “puwede na akong mamatay ngayon pag sure na magna-number 1 ang pelikula mo sa MMFF” – that’s super-STUPID!
Ang normal na situwasyon ng isang taong mamamatay ay tinatawag ang pangalan ng kaniyang ina o ama o kung sinumang pinakamamahal sa buhay – tinatawag ang pangalan ng Diyos but not an assurance that a film makes it on top of a film festival.
Unless nagbibiro lang si Vice Ganda. Na parang nagpapa-cute lang when he said na gusto ng lolo niyang mag-number 1 ang movie niya bago siya mamatay. Isang malaking kabulastgan iyon, oy!
Kung totoong sinabi nga ni Vice Ganda ito – was he really serious? Seryoso bang iyon ang wish ng lolo niya bago siya sumakabilang-buhay? Pati ba naman sa ganitong situwasyon ay nagagawa nilang biro? My sympathy goes to the drains.
I pity Vice Ganda if he indeed said that. Sana nagbibiro lang siya. I’m sure marami kaming ganito ang napi-feel sa sinabing iyon ni Vice. Parang ang selfish kasi, di ba? Namatayan ka na nga pera at kasikatan pa rin ang nasa isip mo? Anong klaseng nilalang ka naman nun, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.