Kris, Vic, Vice sinisi sa mahinang kita ng ibang pelikula sa MMFF
KAILAN kaya magiging fair ang Metro Manila Film Festival sa paghahati-hati (as in hating-kapatid talaga ha!) ng bilang ng mga sinehan sa official entries ng kanilang taunang festival?
Hindi kasi maganda ang labanan pag lamang ang ilang entries in terms of moviehouses na paglalabasan ng kanilang pelikula. That’s grossly unfair – dala ng tinatawag itong film festival, ang MMDA (under ng umbrella nila itong MMFF) pa rin ang dapat on top of whatever decision as far as film showing is concerned.
Saan ka naman nakakita na ang mga pelikulang “Praybeyt Benjamin”, “Feng Shui” and “My Big Bossing” got 125 theaters each compared to “Shake, Rattle & Roll” na 59 theaters lang? What more yung ibang entries na hindi kasing influential ng unang tatlong nabanggit – for sure ay mas konti ang sinehan nila.
“Hindi tama ang ganyang laban, hindi patas. Kasalanan ng MMFF committee iyan –bakit nila pinapayagan na mangyari ang ganoon? Sila ang may kontrol sa mga sinehan dapat.
Dapat ay distributed equally sa eight official entries ang numbers ng theaters. Kahit sabihin pang prerogative ng theater owners ang mamili ng sineng gusto nilang ilabas – hindi puwede iyon.
“Kung anong na-assign sa kanila ang siyang dapat lang nilang ipalabas. Pero bakit ang mga pelikula nina Kris Aquino, Vice Ganda at Vic Sotto lamang ang binibigyan nila ng importansiya?
Nasaan na ang spirit of fairness diyan?” sabi ng concerned friend natin. Mali nga naman ang ganoong patakaran. Hindi dapat pinapayagan ng grupo ni MMDA Chairman Francis Tolentino na may lumalamang in terms of theaters na paglalabasan.
Sila ang dapat nag-control nito – dapat ay naging istrikto sila sa sistemang ito. Mas lalong pangit kasi ang dating dahil ang isang entry ay kasali ang presidential sister na si Kris Aquino – napaka-unethical ang dating sa mga tao.
Halatang may favoritism – halatang merong kinikilingan.Takot ba si Chairman Tolentino kay P-Noy at baka pag-initan siya pag hindi pinaboran ang pelikula ni Kris? Plus nandiyan pa ang pamangkin niyang si Bimby na nasa “Praybeyt Benjamin”, parang nakakaloko na, di ba? Ngayon, tingnan ninyo ang nangyari – ang tanging naglalaban sa takilya ay pelikula ng mag-inang Kris at Bimby.
Hindi ba’t sobrang nakakahiya naman sa kanila pag natalo pa sila? Hindi ba sila kinikilabutan sa pinaggagawa nilang mag-ina? Hindi pa ba sila kuntento sa mga karangyaan nila sa buhay – pati pelikula ay gusto talaga nilang sakupin?
Bati na kami ni Kris, yes, pero I cannot take this height of kasuwapangan, if I may say. Can’t they share a little of MMFF’s fortune sa ibang producers and actors? Hindi naman sila magagaling na artists in the first place – pati ba naman ang mundong ito ay gusto na nilang ibulsa talaga? No offense meant pero this Bimby is a non-actor.
Guwapo lang talaga siya and he is just an AQUINO. Other than that, wala pa. Not this early. Pinipilit gawing artista eh, hindi naman marunong pa. Maybe pag lumaki na siya.
He is being put in a very awkward situation – pag napulaan mo, masama ka. Sasabihing you are hitting a minor – a child. Pero wait! Kung ayaw nilang mapulaan ang bata, huwag nilang i-expose sa ganitong sitwasyon. Let him live a PRIVATE LIFE.
Nakakalungkot lang isiping maraming mga deserving movies here that suffer in terms of box-office returns – yung mga matitinong pelikula talaga ang palaging tinatamaan yearly, lalo pa pag merong entry si Kristeta.
Sila na lang palagi ang bida – sila na lang ang kumikita. Hanggang kailan po ito mangyayari – until 2016? Ang tagal pa noon ha. Napapraning na ako na pati sa pelikula – sa MMFF, kailangang sina KRIS at BIMBY pa rin ang bida! Ano ba iyan? Sumasakit na ang dibdib ko!
Kung napansin ninyo, wala nang drama film na lumahok ngayon? Wala na ang labanang Vilma at Nora, Sharon at Maricel, Dina and Lorna – and what else? Puro basura films na lang ang nangingibabaw.
Kaya wala nang magawa ang mga katulad nina Mother Lily Monteverde kung karampot na sinehan na lang ang ibibigay sa mga katulad nila because hindi na sila nagre-reign supreme sa movie industry.
Kaya hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na taon ay tuluyan nang bumagsak ang movie industry. Believe me! Malapit na! Ako, oks lang ako. Kesehodang hindi ako manood ng any film for the rest of my life ay okay na ako.
I’ve already watched na naman the best films ever sa mundong ito at hindi ikababawas ng pagkatao ko kung hindi na ako makapanood ng anumang ilalabas na pelikula sa lifetime kong natitira – kesa naman manood ng mga ganitong uri ng pelikulang mga walang wawa – mga walang pinatutunguhan.
Hindi kasi sila patas kaya nakakapikon. Yung mga pelikula nina Robin Padilla, Derek Ramsay, ER Ejercito, na mga matitino naman at takagang may kuwenta ay hindi tinatao sa mga sinehan. Hay, nakakaloka talaga!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.