Panonood ni P-Noy sa MMFF entry nina Vice Ganda at Bimby sa sinehan binatikos | Bandera

Panonood ni P-Noy sa MMFF entry nina Vice Ganda at Bimby sa sinehan binatikos

Jobert Sucaldito - December 27, 2014 - 03:00 AM

noy noy aquino
May nakita akong post sa Facebook na nanood si P-Noy with sister Kris Aquino, Vice Ganda, Chokoleit, among others sa opening day ng pelikulang “Praybeyt Benjamin” kung saan kasali ang pamangkin ng pangulo na si Bimby.

Marami ang natuwa na nandoon si P-Noy pero marami rin ang nairita. Kumbaga, ayon nga sa kasabihan natin, “you caanot please everyone”.

“May time talagang manood si P-Noy ng sine kesehodang walang-wala naman ang pelikula. Just because kasama ang pamangkin niya. Kung tutuusin ay puwede naman siyang magpa-special screening sa Malakanyang para hindi na siya nakikita ng mga detractors niya outside.

What if merong sniper sa labas? What if merong nangyari sa kaniya sa sinehan? Talagang pati ang presidente ay nagpapagamit para lang ma-promote ang pelikula ng pamangkin niya. Kaloka!” sabi ng isang nakausap namin.

Meron namang natuwa dahil inilabas lang daw ni P-Noy ang pagka-humble niya. Kasi nga, mahal raw nito ang pamangkin kaya tama lang daw na suportahan niya ito. Eh ano naman ngayon kung nanood si P-Noy sa regular theater – mas maganda nga raw iyon dahil nagpakamasa lang ang presidente.

Sari-saring pananaw – sari-saring opinyon. Walang mali sa dalawang opinyon – it’s on one’s interpretation of each situation. Basta ang mahalaga, let’s support all the MMFF entries.

Kung anong pelikula ang napupusuan ninyo, go na sa mga sinehan para makatulong sa movie industry.  Pero yung sinasabi nilang kumita raw ito ng P140 million on its first day, subject for real investigation talaga ito. Charrooozzzz!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending