Suspek ang katulong na namasukan din kay Angel
Balitang-balitang ninakawan daw ang bahay ng aktres na si Isabel Oli sa Fairview, Quezon City.
Ang sinasabing suspek sa nasabing panloloob ay ang kasambahay daw ni Isabel.
Galing daw sa isang out-of-town trip si Isabel kasama ang kanyang pamilya nang pag-uwi nila sa kanilang tahahan ay malaman nilang marami nang nawawalang gamit.
Ayaw daw magbintang ng pamilya ni Isabel ngunit pinagsususpetsahan nga nila na ang kanilang maid ang nasa likod ng pagnanakaw.
Hindi na rin daw kasi nila makita ang kanilang kasambahay na diumano’y naglingkod na rin noon kay Angel Locsin.
Ayon sa report, pinagnakawan din daw ng nasabing katulong si Angel noon at hindi na rin nagpakita kahit kailan sa aktres.
Sinasabing mahigit sa P100,000 halaga ng pera at kagamitan ang natangal ng suspek mula sa tahanan nina Isabel Oli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.