Paulo: Ine-enjoy namin ni KC kung anong meron kami!
KAHIT hindi aminin nina Paulo Avelino at KC Concepcion ang tunay nilang relasyon, kitang-kita sa mga kilos at tinginan nila ang mas malalim na nilang samahan.
For the first time ay sabay na humarap sa entertainment press ang rumored couple para sa Christmas mini-series ng ABS-CBN, ang Give Love On Christmas – sila ang magbibida sa ikatlo at huling episode na Exchange Gift na magsisimula na sa January 5 sa produksiyon pa rin ng Dreamscape Entertainment.
Ito na ang ikalawang pagsasama nina KC at Paulo, nauna na silang nagtambal noon sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong 2011, kaya ang tanong kay Paulo, kumusta ang balik-tambalan nila ni KC?
“Ganu’n, kahit very light yung project pero, kahit kunyari nakakatawa yung confrontation (eksena), seryoso kami pareho. The material is very good, and it’s also one way for us of giving back sa audience, sa mga Kapamilya natin, sa fans kasi, kumbaga, sila ang ang-request nito.
“Pinagbigyan namin sila at binigyan din kami ng pagkakataon na gawin ito para mag-‘thank you’ sa lahat,” sey pa ng binata.
Matagal na silang nali-link sa isa’t isa kaya wala bang ilangan nang magsimula na silang mag-taping para sa Exchange Gift?
“Hindi naman yung awkward siguro. Like what I said, kapag nakaka-eksena ko kasi si KC, parang napapa…nakakalimutan ko ang lines ko, e. Napapatitig na lang ako sa kanya.”
Siniguro naman ni Paulo na hiwalay ang personal na relasyon nila ni KC sa pagtatrabaho, “Kami, alam ko naman na we’re here to work. Kumbaga andito yung project, and we have to work. At the same time, may mga break naman in between—we have lunch together, with everyone, with the director pero, at the same time, ‘pag alam namin when it’s time to work at pag hindi na.”
Nang kulitin sa tunay na score ng kanilang lovelife, todo iwas pa rin si Paulo, “Ako, hindi ko talaga puwedeng sabihin na walang labeling, parang we’re best friends, we have connections, we treasure it now.
“Kumbaga, yun nga siguro, we have different priorities as individuals. Hayun, naka-focus kami sa mga dapat o kailangan naming gawin sa ngayon,” aniya pa.
“Ako, kasi…ayaw ko kasing i-brand as ligaw kasi ang ganda nu’ng mga nangyayari sa amin. Kunyari, may mangyayari tapos magsasama kami, it’s more of what’s happening, it’s more of the connections, yung kasiyahan namin na magkasama kami.”
Hirit pa ng Kapamilya actor, “Yun nga po, tulad ng sinabi namin kanina, we just want to enjoy what we have now, and it’s about timing. It’s not about me.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.