ENRIQUE GIL 'TINUHOG' sina KIM, JESSY at KATHRYN? | Bandera

ENRIQUE GIL ‘TINUHOG’ sina KIM, JESSY at KATHRYN?

- April 16, 2012 - 03:43 PM

Maraming nagsasabing isa siyang dakilang playboy

Si Enrique Gil na nga ang next important leading man ng ABS-CBN.

Siya ang isa sa magiging partner ni Kathryn Bernardo sa seryeng Princess And I na magsisimula na sa darating na Lunes sa Primetime Bida ng ABS.

Feeling namin, sa susunod na mga buwan, ile-level na rin siya kina Gerald Anderson, JM de Guzman o kahit kina Jericho Rosales at John Lloyd Cruz.

In fairness naman kasi si kay Enrique, talagang naghintay din siya ng matagal bago niya naabot ang estado niya ngayon bilang isa sa mga pamabatong young leading man ng Dos.

As in talagang nagtiyaga siya hanggang sa mapansin na nga ng mga bossing ng Dos ang kanyang kakayahan bilang aktor.

Masasabing ang talagang nagpaangat sa kanya nang todo ay ang pagiging bida-kontrabida sa seryeng Budoy kung saan nakipaglaban siya ng pag-arte kay Gerald.Anyway, sa presscon ng Princess And I, nilinaw ni Enrique ang kuwento na kaya raw hindi niya lantarang maligawan ang kanyang leading lady na si Kathryn ay dahil kay Jessy Mendiola.

“Sus, ginoo! Hindi totoo ‘yan! Wala po akong nililigawan at wala pa akong girlfriend ngayon. As in wala talaga,” depensa agad ng aktor.

“Siguro nag-start ang tsimis na ‘yan, nung Kokey At Ako. Pero wala talaga.

Hindi ako nanliligaw sa kanya,” hirit pa ni Enrique.

E, ano naman itong chika na pasikreto mo ring pinopormahan si Kim Chiu? “A, si Kim na naman, well, kami ni Kim, nag-meet kami sa Cebu. May mall show sila ng Binondo Girl, ako may show rin doon.

“Then nalaman nila na nandu’n ako kaya nag-text sila sa na punta raw ako sa kanila.

So, pagpunta ko doon sa sinasabi nilang place sa Cebu, na nakalimutan ko kung anong lugar  yun, doon lang kami nagkausap ni Kim.

“Kahit magkasama kasi kami sa ASAP, e, hindi kami nagkakausap niyan.

Tapos nagbi-Bisaya si Kim. E, Bisaya rin ako kaya yun.

Nagkakilala kami nang husto kasi kahit nagkakasama na rin kami sa mga shows, at sa movie, e, hindi talaga kami nagkaroon ng chance na magkausap.

“Puro hi and hello lang kami dito.

Pero doon lang kami nakakapag-usap nang husto,” pahayag pa ng hunk actor na bagong pantasya ngayon ng mga bading at matrona.

Anyway, abangan n’yo na lang ang Princess And I nina Kathryn at Enrique sa darating na Lunes sa direksiyon nina Dado

Lumibao at Francis pasion.

Makakasama rin dito sina Gretchen Barretto, Albert Martinez, Yayo Aguila, Nina Dolino, Sharmaine Suarez at Lara Quigaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sina Daniel Padilla at Khalil Ramos naman ang dalawa pa sa magiging ka-loveteam dito ni Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending