Malinis na karta itataya ng Hapee, Cagayan Valley vs MP Hotel, Racal | Bandera

Malinis na karta itataya ng Hapee, Cagayan Valley vs MP Hotel, Racal

Mike Lee - December 22, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Marikina Sports Complex)
10 a.m. Wangs Basketball vs MJM-Builders
12 n.n. Hapee vs MP Hotel
2 p.m. Cagayan Valley vs Racal Motors
Team Standings: Hapee (7-0); Cagayan Valley (6-0); Café France (6-2); Jumbo
Plastic (5-3); Cebuana Lhuillier (4-3); Tanduay Light (4-4); AMA (3-5); Wangs Basketball (2-4); Racal Motors (2-5); Bread Story (2-6); MJM M-Builders (1-6); MP Hotel (1-6)

PANATILIHING malinis ang baraha bago magpalit ang taon ang nasa isipan ng Hapee at Cagayan Valley sa pagpasok ng huling araw ng laro para sa 2014 ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Katunggali ng Fresh Fighters ang MP Hotel sa ikalawang laro dakong alas-12 ng tanghali habang ang Rising Suns at Racal Motors ang kahuli-hulihang laro sa taon na magsisimula dakong alas-2 ng hapon.

Unang tagisan sa ganap na alas-10 ng umaga ay ang salpukan ng Wangs Basketball at MJM M-Builders na parehong magpupursigi para wakasan ang three-game losing streak at magkaroon ng winning momentum sa pagsalubong ng 2015.
Ang Hapee ay hindi pa natatalo matapos ang pitong laro para makapasok na sa quarterfinals.

Ang makukuhang panalo sa Warriors ay naglalapit pa sa hangaring awtomatikong upuan sa semifinals na ipagkakaloob sa dalawang mangungunang koponan matapos ang elimination round.

Sina Bobby Ray Parks Jr. at Garvo Lanete ng mga mangunguna sa Hapee upang maging masaya ang kanilang pagsalubong sa Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sungkitin ang ikapitong panalo ang nakataya naman sa Rising Suns laban sa Alibaba na sa 2-5 karta ay dapat manalo para gumanda pa ang laban para hindi agad mamaalam sa 12-koponang liga.

Haharapin ng Cagayan Valley ang laro ng hindi kasama ang head coach na si Alvin Pua na pinatawan ng three-game suspension at multang P50,000 nang banggain ang referee sa halftime ng laro laban sa Jumbo Plastic na kanilang napanalunan, 82-74.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending