Extension ng mall hours ugat ng trapiko | Bandera

Extension ng mall hours ugat ng trapiko

Bella Cariaso - December 21, 2014 - 03:00 AM

HALOS wala nang dalawang linggo at matatapos na ang taon at patapos na rin ang mga paghahanda para sa Kapaskuhan at Bagong Taon pero ang iisang daing ng lahat ay tila hindi naging epektibo ang ipinatupad ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na pagbubukas ng mga mall mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi para makabawas sa sobrang tindi ng trapiko.

Bukod kasi na dati namang ginagawa ng mga mall na ini-extend ang mga mall hours hanggang alas-12 ng gabi gaya ng ginagawa ng mga malalaking mall, tila ginawa ito ni Tolentino para masabi lang na may aksyon siya sa parusang dulot ng matinding trapik sa Kamaynilaan.

Kahit naman bago pa ang sinabing Christmas rush, nararanasan na ang matinding trapik sa Kalakhang Maynila.

Para bang wala na ngang solusyon na maibibigay si Tolentino kayat walang magawa ang mga motorista at mga pasahero kundi pagtiisan ang nararanasang trapik sa buong Metro Manila.

Ang komento tuloy ng marami, wala naman talagang nagagawa si Tolentino para mabawasan ang problema sa trapik sa buong Metro Manila.

Bukod pa ito sa pagkakadawit ng ilang mga traffic enforcer ng MMDA.

Sa Balintawak na lamang, araw-araw na lamang na sitwasyon doon ang pagtatrapik dahil sa ginawa nang isajg malaking parking lot ang EDSA ng mga sasakyang umaangkat ng mga paninda.

Makikita mo ang mga MMDA traffic enforcer na nakatayo lamang na tila deadma na lamang sa kanilang paligid.
Siyempre alam naman natin kung bakit pinababayaang pumarada ang mga sasakyan doon dahil nagbibigay sila ng lagay sa mga traffic enforcer.

Kung tutuusin, kung seryoso ang MMDA na malinis ang Balintawak ng mga nakaparadang sasakyan, magagawa naman nila ito ngunit tila bulag, pipi at bingi na lamang sila bastat tuloy ang ligaya para sa kanila.

Hindi ba ito alam ni Tolentino gayong araw-araw namang nadadaanan ang ganitong eksena sa Balintawak.

Dahil sa kabiguan ng MMDA na masolusyunan ang trapik sa Metro Manila, walang magawa ang mga pasahero at motorista kundi magbuntunghininga na lamang dahil alam nilang wala ring aksyong magagawa ang pamunuan ni Tolentino para man lamang maibsan ang problema sa trapik sa bansa.

Isa pang wala na rin atang solusyon para mapaganda ang serbisyo nito ay ang MRT.

Hindi mawala-wala ang kaliwa’t-kanang reklamo hinggil sa operasyon ng MRT.

Lalo na ngayong holiday season, kahit tanghali ay napakahaba pa rin ng pila. May pagkakataong mahaba ang pila sa hagdanan pero pagpasok mo ay wala naman palang laman ang tren.

May oras din na ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring tren ang dumarating kaya napakahaba na ng pila ng mga pasahero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapag umandar naman ay laging humihinto ng ilang minuto kada istasyon. Dinaig pa ang bus sa paghihintay ng pasahero.
Kailan kaya gaganda man lamang ng konti ang serbisyo ng MRT?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending