Aiza, Liza mas lalong ‘pinainit’ ang mga epal na netizen | Bandera

Aiza, Liza mas lalong ‘pinainit’ ang mga epal na netizen

Cristy Fermin - December 17, 2014 - 03:00 AM

aiza seguerra
Nadagdag na sa listahan ngayon ng mga kilalang personalidad na mahilig pumatol sa mga bashers ang mga bagong kasal na sina Aiza Seguerra at Liza Diño.

Tagumpay ang mga walang magawa sa magkarelasyon, pinapatulan kasi ng mag-asawa ang mga umuupak sa kanilang pagmamahalan, ‘yun ang pinakahihintay ng mga bashers ng kahit sinong artista.

Hindi sila natutuwa kapag hindi sila pinapansin ng mga sinasaktan nilang artista, malulungkot sila, dahil parang nawawalan ng saysay ang kanilang effort na makapanakit ng kanilang kapwa.

Mas mahilig mag-react ang kanilang iniinis ay mas ikinaliligaya nila, nagkakaroon kasi ng bunga ang kanilang mga pambubuska, ‘yun ang tunay nilang pinakahihintay mula sa mga artistang bina-bash nila.

Pumapatol na rin ngayon sina Aiza at Liza sa kanilang mga bashers, binibigyan nila ng panahon ang pagsagot sa mga pinagsasasabi ng mga taong walang magawa sa sarili nilang buhay, kaya buhay na lang ng ibang tao ang pinagpipistahan nila.

Punto naman ng isang tagamasid na kaibigan, kung ayaw nina Aiza at Liza na may pumapansin sa kanilang relasyon, dapat ay maging discreet din sila.

“E, kasi naman, bawat galaw nila, e, nasa social media na agad, naka-post na sa IG nila, sino naman ang hindi papansin sa relasyon nila?

“It’s not a crime to fall in love, pero hindi ready ang kultura natin para tanggapin ang ginawa nilang pagpapakasal, meron pa ring pagkontra ang bansa natin sa ganu’n,” komento ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending