Regine napraning sa pagsakay ng eroplano patungong Malaysia | Bandera

Regine napraning sa pagsakay ng eroplano patungong Malaysia

Jobert Sucaldito - December 17, 2014 - 03:00 AM

regine velasquez

MY gosh! Ilang araw ba akong hindi nakapag-column because I had to fly out of the country last weekend. Sinamahan ko ang baby nating si Michael Pangilinan sa kaniyang first trip EVER abroad sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa Gabay Guro ng PLDT.

Sa totoo lang, nasa harap na ako ng computer ko last Friday evening para mag-advance sana ng columns ko kaya lang bigla na namang nagloko ang e-mail ko.

Ayaw magbukas –  lahat na yata ng kaek-ekan sa computer nagawa ko na, kaya sa buwisit ko, nilayasan ko ang computer ko and prepared for our early flight.

Imagine, 3:30 a.m. ay nasa airport na kami ni Michael – sa old NAIA para sa 6:30 a.m. flight namin for KL. Kasama ni Michael sina Regine Velasquez, Derek Ramsay, Regina and Ate Gay sa show na iyon ng Gabay Guro.

Regine didn’t take Malaysia Airlines dahil napraning siya sa  bali-balita ng pagkawala ng dalawang eroplano ng nasabing airlines kaya she opted to take Asia Air, a budget airline.

Anyway, masaya kami sa aming pagdating sa Malaysia. Kilala niyo naman ako, everytime I take long flights, talagang naglalasing ako ng red wine sa plane dahil takot nga ako sa eroplano.

Nakawalong glasses ako ng red wine – binola ko ang flight attendants para makahingi ako ng maraming wines. Ha-hahaha!
Pagdating namin sa napakagandang A-Loft Hotel sa central part ng Kuala Lumpur, wash up lang nang konti then sinamahan ko na si Michael umikot nang konti.

Pinasyalan namin ang sikat na sikat na Petronas Twin Towers, hanep pala talaga ang twin towers na ito – very beautiful talaga. What makes it wonderful ay ang pagkakaiba ng design ng towers – yung isa medyo round-shaped and itaas while yung isa ay parang Eiffel.

Then we had dinner sa Jaman Alor (tama ba ako?) and late in the evening ay pumunta kami sa isang strip ng bars doon and had wine till morning.

The next day, maaga pa lang ay wala na si Michael sa room at nag-shopping galore na ito – mga konting pasalubong lang sa family niya kasi konti lang naman ang dala naming dollars.

Charity show iyon kaya siyempre, free ang trip na iyon. It was to entertainment our dear teachers and some OFWs sa Malaysia. Oks sa amin iyon – ginagawa naman ni Michael ang ilang charity shows dito sa atin kaya walang problema sa amin.

He enjoys doing these kinds of events. Anyway, pagsapit ng 1:30 p.m. ng Sunday ay sinundo na kami for the show. Nagkagulatan pa kami dahil kasama pala ni Papa Derek Ramsay ang kaniyang maganda at mabait na manager – and mahal nating kaibigang si Jojie Dingcong. Siyempre, naharbatan ko siya ng dollars and Ringgit. Ha-hahaha!

Grabe ang tao sa Life Center – the venue for the show. 1,800 seaters iyon and full-packed. And gosh! The show was sensational. They broke the house down.

Nag-standing ovation ang mga tao when stand-up comedian Regina did his doble-cara version of “My Way.” Mabuti at walang barilang naganap. Ha-hahaha!

Anyway, siyempre, Ate Gay is Ate Gay. And no one can question the presence and performance of Derek Ramsay and Regine Velasquez. Pero hanep ang anak nating si Michael – nang bumaba siya sa audience, talagang dinumog siya at hindi niya iyon ininda.

Since apat naman ang kinanta niya (Rude, All Of Me, Kung Sakali and Pare, Mahal Mo Raw Ako), ilang beses din siyang bumaba para pagbigyan ang mga nagpapa-selfie sa kaniya while singing.

Marami rin akong nakausap doon, isa na riyan ang napakabait nating Ambassador to Malaysia na si Hon. J. Eduardo Malaya – nagkuwentuhan kami tungkol sa mga buhay-buhay ng mga Pinoys sa Malaysia lalong-lalo na sa Sabah.

Iyon ang dahilan why we were there – to help raise funds and awareness for the kids get educated doon. Nakapagpatayo ng sila ng mga pitong learning centers para maturuan man lang ang mga kababayan nating makapagbasa at makapagsulat.

That’s heartbreaking indeed! Napakaraming magagandang istoryang nakabalot sa proyektong ito and thanks a million to PLDT for this Gabay Guro project dahil napakalaking tulong nito para sa ating mga kababayan here and abroad.

The group of Ms. Aleli Bustamante (Cristine, Alvin, Erwin ang others) are truly wonderful. Anyway, next destination daw namin will be Singapore. Meron pa akong narinig na HongKong and UK.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana sa lahat ng ito’y makasama ang anak nating si Michael Pangilinan.Congrats, Michael. Finally ay natatakan na ang passport mo. Kaya pag-uwi ng Pilipinas last Monday evening, aba’y natural na bongga na naman ang pag-inom ko ng red wine sa plane.

Since Malaysia Airlines pa rin ang sinakyan namin pabalik (this time sumama na si Regine and Derek sa biyahe namin), tulad ng Songbird, napapraning din ako sa kaiisip na baka maglaho nga kami sa ere, kaya drink to death na naman ang baklita. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending