Yayaman na sa ikalawang pag-aabroad (2) | Bandera

Yayaman na sa ikalawang pag-aabroad (2)

Joseph Greenfield |December 17,2014
facebook
share this

Yayaman na sa ikalawang pag-aabroad (2)

Joseph Greenfield - December 17, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Maggie ng Poblacion, Pilar, Bohol
 Problema:
1. Taong 2011 nang ako ay magpunta sa Saudi Arabia. Nakaipon naman ako ng konting pangnegosyo. Ang kaso naubos ang lahat ng ipon ko nang magkasakit ang mister ko, pero okey na siya ngayon.  Kaya lang sa tuwing maiisip kong natunaw lang dahil sa pagkakasakit ng mister ko ang aking mga naipon at nalugi pa ang negosyo ko naluluha ako sa nangyari sa buhay namin.
2. Sa ngayon 41 na edad ko at nais ko sanang mag-aplay muli. Itatanong ko lang po sana, Sir Greenfield, kung muli ba akong makapaga-abroad at maibabalik ko ba ang mga nawala sa akin, ang aming lupa at bahay at ang munting negosyong dating ikinabubuhay namin ng tindahan sa Poblacion. February 14, 1973  ang birthday ko.
Umaasa,
Maggie ng Pilar, Bohol
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ay nagsasabing makapaga-abroad ka sa ikalawang pagkakataon sa tulong ng isang kaibigang isinilang sa zodiac sign na Libra. Tulad noong una mong pangingibang-bansa, muli kang makakaipon ng maraming pera.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabi na pagtuntong mo ng edad 41—ibig sabihin sa panahong ito hanggang edad 51—tiyak ang magaganap. Matapos makapag-abroad sa ikalawang pagkakataon at sa pamamagitan ng muling pagnenegosyo na may kaugnayan din sa tindahan o groecery, muli kayong uunlad at yayaman.
Graphology:
Upang mas madaling matupad ang nasabi ng pag-aanalisang, imbes na ubod ng haba ang iyong lagda ay iklian mo lang. Sa maikling lagda, dalawang initial at ang iyong apelido, mas mabilis na  makare-recover ang inyong kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy na uli kayong yumaman.
Luscher Color Test:
Mapalad mong kulay ang red, yellow at silver, gray at lahat ng kulay na hinango sa metal. Sa nasabing kulay, lalong lalago at uunlad ang inyong kabuhayan.
Huling payo at paalala:
Maggie, ayon sa iyong kapalaran, sa edad mong 41 pataas, ibig sabihin ay ngayon na, ay magsisimula ka nang maka-recover sa lahat ng kasawiang nangyari sa iyong buhay. Kaya nga tamang-tama ang ginagawa mong muling pag-aaplay sa abroad ngayon. Dahil sa susunod na taon o sa edad mong 41 pataas, muli kang makapangingibang-bansa, upang pagsapit ng taong 2023, sa edad mong 50 pataas, ay walang duda, maunlad na maunlad na uli ang inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending