Ano ba ang kinatatakutan ng komunista? | Bandera

Ano ba ang kinatatakutan ng komunista?

- September 27, 2009 - 12:15 AM

HAYAN na naman ang mga komunista, ang mga kaliwa.  Tulad noon, parating may pagtutol.  Ngayon, tutol sila sa Radio Frequency Identification tags na ikakabit sa mga sasakyan, sa pamamagitan ng Land Transportation Office.
Noon, mahigpit ang pagtutol nila sa National ID System, na simulang isinulong noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.  Siyempre, hindi makakukuha ng National ID ang mga kasapi ng New People’s Army.
“No ID, no entry” sa komunista.
Ngayon, natatakot sila na baka manmanan sila ng pamahalaan sa pamamagitan ng RFID.  May RFID na rin sa ibang bansa at hindi ito ginagamit sa paniniktik.
Kung walang ginagawang masama at walang batas na nilalabag, di dapat matakot ang komunista.  Nasa Kamara na nga sila.
Takot ka ba sa RFID at napatunayan na ba ang takot mo, o nasa imahinasyon lang yan?

BANDERA Editorial, 092709

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending