Dennis ‘nakakaraos’ kahit ilang taon nang walang dyowa | Bandera

Dennis ‘nakakaraos’ kahit ilang taon nang walang dyowa

Ambet Nabus - December 14, 2014 - 03:00 AM

dennis trillo
“Nairaraos naman,” ang pilyong hirit naman ni papa Dennis nang itanong namin kung sa lumalamig na mga gabi ngayong Kapaskuhan ay hindi niya nami-miss ang magkaroon ng girlfriend.

Simula kasi nang mapabalita ang pagkakaroon nito ng renewed friendship sa mga ex-GF niya, partikular kay Jennylyn Mercado na nakakasama pa niya ngayon sa pagbibisekleta at pagdyi-gym ay wala nang naibabalitang karelasyon ang aktor.

“Wala talaga. Zero nga eh. Pero ganu’n talaga ang buhay eh. Kung darating siya, darating. Hindi naman ako naghahanap. With Jen, happy na kami pareho na nabuksan uli yung daan para at least maging friends kami again.

And yes, siguro nga ay kasama ako du’n sa mga malalamig ang Pasko this year,” ang natatawa pang tsika ng binata. Kung mayroon man daw siyang pinaghahandaan ngayong Kapaskuhan ito ay ang maibigay niya sa anak ang sapat na oras.

Mayroon naman daw siyang kumpleto at masayang pamilya na matatawag kaya’t tiyak din naman niyang mag-iinit din kahit paano ang kanyang Pasko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending