TALK ‘N TEXT hangad makaulit sa BARAKO | Bandera

TALK ‘N TEXT hangad makaulit sa BARAKO

Barry Pascua - December 12, 2014 - 03:00 AM

talk n text

Mga Laro Ngayon (Ynares Center)
4:15 p.m. Talk ‘N Text vs Barako Bull
7 p.m. Barangay Ginebra vs Globalport

HANGAD ng Talk ‘N Text na makaulit sa Barako Bull samantalang gusto ng Barangay Ginebra na makabawi sa Globalport sa magkahiwalay na laban sa unang yugto ng quarterfinals ng 2014-15 PBA Philippine Cup mamaya sa Ynares Center sa Antipolo City.

Maghaharap ang Tropang Texters at Energy sa ganap na alas-4:15 ng hapon at magtutuos ang Gin Kings at Batang Pier sa ganap na alas-7 ng gabi na main game.

Kapwa may twice-to-beat advantage ang Talk ‘N Text at Barangay Ginebra sa kanilang mga katunggali at kung mamamayani sila mamaya ay magtatapat sila sa ikalawang yugto ng quarterfinals — isang knockout match.

Pumang-apat ang Tropang Texters sa elims sa kartang 8-3 samantalang pumanglima ang Barangay Ginebra sa record na 6-5. Ang Globalport ay pumang-walo sa kartang 5-6 samantalang ikasiyam naman ang Barako Bull sa kartang 4-7.

Upang umabot sa ikalawang yugto ng quarterfinals, kailangan ng Batang Pier at Energy na talunin ang kanilang katunggali ng dalawang beses. Sa elims ay magaan na tinalo ng Talk ‘N Text ang Barako Bull, 122-106, noong Nobyembre 23 sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Umarangkada agad ang Tropang Texters, 40-20, at hindi na nagpahabol mula roon. Sila ay pinangunahan ni Jason Castro na gumawa ng 26 puntos at Jimmy Aapag na nagdagdag ng 14.

Bukod sa mga guwardiyang ito, si coach Joseph Uichico ay sumasandig kina Kelly Williams, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier at mga rookies na sina Kevin Alas at Matthew Rosser.

Kamakailan naman ay ipinamigay ng Barako Bull ang beteranong si Mick Pennisi sa Purefoods Star kapalit nina Ronnie Matias at Isaac Holstein.

Sa pagkawala ni Pennisi ay malaking butas ang pupunan sa gitna nina Dave Marcelo, Jondan Salvador at Jake Pascual. Sa kabilang dako, ang Barangay Ginebra ay tinambakan ng Globalport, 98-77, noong Nobyembre 30.

Sa larong iyon ay lumamang ng 21 puntos ang Batang Pier sa halftime, 52-31, at napangalagaan iyon hanggang dulo. Sa larong iyon din ay nagpugay bilang head coach ng Globalport si  Erick Gonzales kapalit ni Pido Jarencio na ngayon ay team consultant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Barangay Ginebra coach Jeffrey Cariaso ay umaasang makakaganti sila sa Batang Pier. Ang Gin Kings ay binubuhat nina Gregory Slaughter, Japeth Aguilar, LA Tenorio at mga dating Most Valuable Player awardees na sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand.

Nagbalik naman sa kampo ng Globalport si Solomon Mercado kapalit ni Alex Cabagnot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending