Fans nina Daniel at Kathryn tinawag na bastos, walang modo ng kampo ni Nadine | Bandera

Fans nina Daniel at Kathryn tinawag na bastos, walang modo ng kampo ni Nadine

Alex Brosas - December 11, 2014 - 03:00 AM

KATHRYN, NADINE AT DANIEL

KATHRYN, NADINE AT DANIEL

Tila nagiging physical na ang KathNiel fans kay Nadine Lustre.

One fan even bragged na binangga niya intentionally si Nadine and even posted it on her Twitter account.
Ito namang si Nadine, natakot yatang kuyugin ng KathNiel fans kaya kaagad na idinenay ang pangyayari and said, “It never happened.”

Ang nangyari tuloy, napasama ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ginawa ng isa nilang supporter.

Marami ang nabastusan sa kanyang ginawa at nadamay na ang lahat ng KathNiel fans. Mga walang modo at pinag-aralan daw ang mga ito.

“Ipinagmamalaki pa ang pambu-bully? crass!”
“I’m a KN fan and honestly di ko nagustuhan yang gnawa ng co-fangirl ko (i’m following her on twitter dati pa). Kaya nagkakaroon ng fandom war dahil sa mga ganyan eh. Ang daming nanghe-hate sa KN dhil sa mga irresponsible and di nag-iisip na fans. Tanggol tayo ng tanggol sa KN pero kapwa fan din yung gumagawa ng reason para i-hate sila ng ibang tao. Psh.”

“Wow ha if the tweet was true, napaka immature tlga ng mga jejetards na to. Baka di lang napansin ni Nadine kaya it ‘never happened’. Nakakaawa tlga mga pagka desparada ng mga tards. Tsk. Go to school muna kids.”

“Was it enough reason to physically hurt Nadine? Ang sabi mo nga, FANS lang ni Nadine kamo ang sumosobra, eh bakit kailangang banggain at saktan physically si Nadine? Tama ba yon?”

“Wala naman nagiging reaction mismo kay Kathryn at Daniel dapat sabihan nila ang fans nila. sinungaling na rin ang mga fans na yan. yung dati nagkukunwari silang fan tas habang nagpapicture kay Nadine, nilabas ang banner ni Kathryn.

Malamang puro imaginations din ang iniisip nila sa kathniel.”

Bakit nga ba may ganitong IDIOT fan? Actually, marami na ang ganitong supporters ng artista, hindi lang KathNiel fans.

Kapag nasulat ang idols nila in a negative light ay kung anu-anong pagbabanta ang ginagawa sa writer. Ganoon ba sila pinalaki ng kanilang ina?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Is there a culture of violence among fans? Yes, there is. Palaban na ang fans ngayon, para silang siga, walang pinag-aralan, mga patapon ang buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending