Kailan makaka-ahon sa pagiging katulong (2)
Sulat mula kay Elsa ng Candabong, Argao, Cebu
Problema:
1. Matagal na akong nagkakatulong simula 16 years old palang ako hanggang sa ngayon na may asawa at mga anak na ako katulong pa rin ang trabaho ko. Hirap na hirap na po ako sa kalagayan kong ito pero wala po akong magawa, dahil ito lang ang alam kong trabaho para makatulong sa aking mister.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong maka-ahon sa pagkakatulong at guminhawa kahit konti ang aming buhay. Sana mabigyan nyo rin ako ng saktong numero na tatama sa lotto lalo na ngayong magpapasko pa naman. January 31, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Elsa ng Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing bigla kang susuwertehin sa Disyembre, Enero hanggang Pebrero, kaya sa mga buwan na nabanggit ka dapat makipagsapalaran sa anomang uri ng number games. Dahil sa nasabing mga buwan, malaki ang tsansa na ikaw ay makatabo ng dambuhalang halaga.
Numerology:
Ang mga taong isinilang sa petsang 31 ay likas na magiging suwerte kung sila ay makikipagkaibigan sa mga taong isinilang sa petsang 7, 16, at 25, 1, 10, 19 at 28. Kapag nagkaroon ka ng kaibigan, anak, kasama sa bahay, asawa o kung sinomang malapit sa iyo na gandang ang birth date, siya ang isama mo sa tuwing ikaw ay makikipagsapalaran sa anomang uri number games, kapag nagawa mo iyan, bigla kang mananalo ng malaking halaga na halos hindi mo kayang bilangin.
Luscher Color Test:
Sa pagtaya sa anomang uri ng number games higit kang magiging mapalad kung lagi kang magsusuot ng kulay na dilaw, berde at itim.
Huling payo at paalala:
Elsa ayon sa iyong kapalaran pagpasok na pagpasok ng buwan ng Enero sa susunod na taong 2015, habang nalalapit ang ika-33 kaarawan mo, lagi kang maglalabas ng bahay at makipag-sapalaran sa mga number games, dahil sa panahong iyon, alin sa dalawa ang posibleng maganap, Una, may magpapahiram sa iyo ng malaking halaga ng salapi upang ikaw ay makapag-negosyo o dili naman’y sa isang hindi mo inaasahang sitwayon at pagkakataon – bigla kang tatama ng jackpot sa lotto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.