Ginebra pa-angat na? | Bandera

Ginebra pa-angat na?

Barry Pascua - December 06, 2014 - 03:00 AM

NA-EXCITE na naman ang mga fans ng Barangay Ginebra sa umpisa ng 40th season ng Philippine Basketball Association dahil sa maganda ang naging arangkada nito.

Sa opening day game pa lang ay nagpamalas na kaagad ng ibayong tikas ang Gin Kings nang tambakan nila ang Talk ‘N Text, 101-81, sa Philippine Arena.

Pero mula sa matayog na record na 5-1, aba’y biglang sumadsad ang Gin Kings nang makalasap ng tatlong sunod na kabiguan.
Una’y naungusan sila ng San Miguel Beer, 79-77, noong Nobyembre 16.

Limang araw matapos iyon ay hiniya sila ng Meralco Bolts, 109-99, sa Ynares Center sa Antipolo City. Hindi roon natapos ang kahihiyan ng Gin Kings dahil sa tinambakan sila ng Globalport, 98-77, noong Nobyembre 30.

And to think na bago nag-umpisa ang laro ay sinabi nilang ito ay dedicated sa dati nilang team manager na si Avelino “Samboy” Lim na hanggang ngayon ay naka-confine sa ICU ng Medical City matapos ang massive heart attack.

Aba’y anong klaseng dedication iyon? Hindi lang talo. Tambak! Well, maraming kuru-kuro at ispekulasyon ang lumutang matapos na bumagsak ang Gin Kings sa 5-4 karta at maglaho ang tsansang makakuha ng isa sa dalawang automatic semifinals berth sa katapusan ng elimination round.

Maraming nagsabi na isa sa dahilan ng pagsadsad ng Gin Kings ay ang pagbaba rin ng laro ng lead point guard nilang si LA Tenorio. Pero siyempre, hindi lang naman isang tao ang puwedeng sisihin, e. Team effort iyan, hindi ba?

May nagsasabing hindi naman daw nama-maximize ang potential ng mga higanteng sina Gregory Slaughter at Japeth Aguilar. Kulang din daw sa konsentrasyon sa laro ang dalawang ito.

Mayroon ding nagsasabing tila hindi angkop sa Barangay Ginebra ang triangle offense na pinaiiral ni coach Jeffrey Cariaso. Nahihirapan daw ang Gin Kings na sundan ang mga patterns.

At hindi lang ang triangle ni Cariaso ang nasisilip. Pati ang pormal na dating niya sa bench. Kasi nga’y produkto siya ni Tim Cone kaya naka-long sleeves at kurbata si Cariaso at mga assistant coaches niya.

Ito’y taliwas sa suot ng ibang opisyales sa bench na t-shirt ng Barangay Ginebra na pang-180 years na anniversary nila.
Baka nga naman daw dahil sa hindi buo ang coaching staff at mga opisyales sa bench sa kanilang kasuotan ay hindi rin maganda ang “vibes” sa bench.

Well, mukhang niremedyuhan lahat ito noong Martes. At nakabawi ‘bigtime’ ang Gin Kings nang padapain nila ang dating nangungunang Alaska Milk, 101-92, upang mapatid ang kanilang three-game losing skid.

At sabi ng isang true-blue Barangay Ginebra fan, “Choosy lang talaga ang Gin Kings. Namimili ng tatalunin. Gusto number one ang tatalunin!” Ganun?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, tingnan natin kung magtutuluy-tuloy ang pag-angat ng Gin Kings. Mabigat na naman ang susunod nilang kabangga — Rain or Shine!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending