DEAR Aksyon Line,
Sumulat po ako dahil ang mister ko po ay senior citizen po at sa edad po niya na 73 ay di maikakaila na may nararamdaman na rin siyang sakit.
Operada na po siya sa katarata at sa glucoma. Ok naman po ang schedule ng kanyang check up pag si-nabi ng duktor na sa ganitong araw may check up, masipag naman siya magpunta at ito po ay sa PGH.
Ang problema po pag siya ay sasalang sa visual (parang xray s mata), na-ngangailanggan po kami ng P1,000 para sa visual. Nahihirapan po kami mag produce ng P1,000. Minsan din po kasi dumadaan din yung hiya namin na manghingi sa aming mga anak, dahil sapat lang din naman ang kita nila para sa gastusin ng pamilya nilaa. Di ba pwede i-cover ng senior-PhilHealth? Sana po matugunan n’yo ang sulat kong ito. Ang pangalan po ng mister ko ay Artemio Espiritu.
Salamat po!
Gng. Omer Espiritu
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Ito po ay tungkol sa inyong katanungan na i-pinadala kay Bb. Liza Soriano sa kanyang column na Aksyon Line, na kung maaaring ma-cover ng PhilHealth ang kanilang x-ray sa mata.
Nais po naming ipabatid na wala pa po tayong lumalabas na guidelines hingil sa benepisyo na maaaring ma-avail ng ating mga senior citizen sa kala-labas lamang po na RA 10645 para sa Mandatory Coverage for All Senior Citizen.
Sa kasalukuyan po ay hindi pa rin po sakop ng benepisyo ang mga outpatient laboratory tulad ng x-ray sa mata na kanilang nabanggit.
Sila po ay maaari maka-avail ng benepisyo sa kanilang confinement na hindi baba sa 24 oras. Para naman po sa outpatient maaari po nilang ma-avail ang mga sumusunod na procedure tulad ng Day surgeries, dialysis, chemotherapy at radiotherapy sa mga accredited hospital at free-standing clinics.
Salamat po.
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center:
441-7442
apr
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
vvv
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.