Ai Ai may karapatang lumigaya sa kandungan ng batang BF | Bandera

Ai Ai may karapatang lumigaya sa kandungan ng batang BF

Cristy Fermin - December 05, 2014 - 03:00 AM

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

Tama ang punto at pananaw ni Ai Ai delas Alas na hindi parehas humusga ang ating mga kababayan pagdating sa pakikipagrelasyon. Kapag mas matanda ang lalaki ay okey lang, pero kapag ang babae ang mas may edad kesa sa lalaki, iba na ang interpretasyon ng mga miron.

Nakalulungkot, sabi ng Comedy Concert Queen, dahil ang akala yata ng mga kababayan natin ay nilandi-landi lang niya si Gerald Sibayan kaya sila naging magkarelasyon.

Kaya makatwiran ang kanyang mensahe nu’ng nakaraang 21st birthday ng kanyang boyfriend na huwag nitong masyadong iniintindi ang kung anumang sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanila.

“They just know your name, but they don’t know your story.” Na totoong-totoo naman, bukod sa kanyang pamilya, mga kaibigan at kay Ai Ai ay wala namang personal na nakakaalam kung sino si Gerald Sibayan sa totoong buhay.

Wala naman sa edad ang pakikipagrelasyon. Ang pinakamahalagang sangkap sa pagpasok sa ganu’n kaseryosong sitwasyon ay ang sinserong pagmamahalan.

Puso at hindi bibig ang nagsasabi kapag maligaya tayo, kung sino ang nagpapaligaya sa atin ang pinakamahalaga, hindi ang mga nagsasalimbayang komento ng iba na wala namang ligayang naibibigay sa atin.

Kung saan maligaya ngayon si Ai Ai delas Alas ay unawain na lang natin, tutal naman ay wala siyang inaabalang tao sa ibinibigay niyang pagmamahal kay Gerald, pareho naman silang malayang magmahal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending